SUPER proud tita ang Kapamilya actress at TV host na si Kim Chiu sa tatlong pamangkin na kanyang pinapaaral.
Nagtapos kasi ang mga ito kamakailan with matching honors at academic achievement pa kaya naman halos maiyak daw siya nang ibalita sa kanya ang nasabing good news.
Ibinandera ng aktres ang mga litrato niya sa Instagram kasama ang tatlong pinapaaral na pamangkin — sina Raine, Liam, at Callee. Aniya, bukod nga sa pag-graduate ng mga ito ay may bonus pa dahil lahat sila ay nakatanggap ng awards at honors.
“Saktong flex lang sa umaga! Proud tita here!!!! Congratulations #Raine #Liam and #Callee for graduating with honors. I wanna cry na. Parang ako yung nagluwal!” ang simulang pagbabahagi ni Kim sa kanyang caption.
Patuloy pa niyang pagmamalaki sa mga bagets, “But kidding aside seeing them grow and seeing their achievements big or small means so much to me and of course to the entire fam.
“Noon ‘di ko nabigyan ng medal and honors yung mga tita ko na nagpaaral sa’kin. ‘Yung saktong pasado lang nabibigay ko, ganito pala dapat.
“Pero thankful pa rin ako sa mga tita ko na tumulong sakin before kaya now, time to give back sa mga pamangkin ko naman,” mensahe pa ni Kim.
Sa mga hindi pa masyadong nakakaalam, si Raine ay anak ng kapatid ni Kim na si Twinkle, habang sina Liam at Callee naman ay dyunakis ng kanyang kapatid na si William.
Matatandaang sa isang panayam ay nabanggit ng Kapamilya star ang pagiging hands-on tita sa kanyang mga pamangkin.
“Itinuturing ko silang lucky charms, my inspiration, my life. Nakakatuwa kasi kapag may bata sa bahay, ‘di ba? At gusto ko kasi talaga ng mga bata.
“Favorite ko talagang paglaruan sila, paiyakin sila, patawanin sila. ‘Yung paglalaruan mo ‘yung emosyon ng bata kasi sobrang genuine, honest. Tapos ‘yung saya nila nalilipat sa ‘yo so parang ang sarap sa pakiramdam,” sey pa ni Kim.
Sabi pa ng dalaga, talagang naglalaan siya ng panahon at pera para masuportahan ang tatlong pamangkin, “Kasi alam ko din ‘yung feeling nung ikaw ‘yung tinutulungan.
“So ngayon na kaya naman, sa awa ng Diyos nabigyan tayo ng pagkakataon na tayo naman ‘yung tumulong, bakit naman hindi?” aniya pa.
Nilinaw din niya na ang ginagawa niyang pagsuporta sa pamilya ng kanyang mga kapatid ay kusang-loob at never niya itong inisip na obligasyon.
“Naniniwala kasi ako doon sa sabi sa Bible na ‘yung nagpi-fill ng water, ‘yung baso ng tubig mo, kapag hindi ka namigay, hindi ka magkakaroon ng bagong tubig. Parang ‘yun at ‘yun lang.
“Parang blessing, na kapag hindi mo sine-share ‘yung laman nu’ng tubig na ‘yun, aapaw lang siya nang walang nakikinabang. Tapos wala ring darating na bagong tubig,” lahad pa ng girlfriend ni Xian Lim.
https://bandera.inquirer.net/286355/maricel-pinatunayang-hindi-umaasa-si-meryll-sa-kayamanan-ni-willie
https://bandera.inquirer.net/311642/hirit-ni-chito-kay-kiko-ako-po-talaga-ang-paborito-niyang-pamangkin-bago-dumating-si-donny
https://bandera.inquirer.net/299336/hirit-ni-luis-sa-relasyon-nina-edu-at-cherry-pie-feeling-ko-baka-sila-na-ang-itapat-sa-kathniel