DEREK, CRISTINE patutunayang hindi naglolokohan


Kahit na ano pang gawing paninira at pangnenega kay Derek Ramsay, nananatili pa rin ang kamandag nito sa kanyang fans, lalo na ang mga matrona at bading na baliw na baliw pa rin sa kanya.

Kaya nga dedma na lang ang dyowa ni Cristine Reyes sa mga naglalabasang intriga laban sa hunk actor. Patutunayan daw nila sa kanilang detractors na totoo ang kanilang pagmamahalan at hindi isang “gamitan” lang.

Kahit nga ang mga Pinoy sa iba’t ibang panig ng mundo ay atat na atat kay Derek, balita namin nu’ng huling pagbisita nito kasama si Dra. Vicki Belo sa Amerika ay talagang pinagkaguluhan siya.

Nagkasama ang aktor at ang tinaguriang Pinay Ambassadress of Beauty and Doctor to the Stars sa ginanap na taunang “Adobo Festival” sa Martinez Waterfront Park sa California.

Tinanggap ni Dra. Belo doon ang parangal bilang Most Trusted Brand by Filipinos Worldwide, habang si Derek naman na matagal nang endorser ng Belo Medical Group ay tinanghal na Most Popular Actor and Celebrity Endorser 2013.

“It’s always a pleasure to be in a gathering of Filipinos and Filipino families,” sey ni Dra. Belo. Dagdag nito, “There’s never a shortage of laughter, fun and great food. California is the most populous US state and is home to more than half of the entire Fil-Am population in America.

Sey pa nito, “Everyone gets a chance to get together and celebrate all the things they miss about living in the Philippines and love about being Filipino.”

Magkasamang nakipag-bonding sina Derek at Dra. Belo sa libu-libong Pinoy doon na nakisaya sa nasabing festival. Kasabay nito, hindi nagdamot ang doktora at ang aktor na mag-share ng beauty tips sa ating mga kababayan doon.

( Photo credit to Google )

Read more...