PARA kay Judy Ann Santos napakahalaga para sa isang inang tulad niya ang mapanatiling malusog ang sarili para na rin sa kanyang pamilya.
In fairness, isa si Juday sa mga celebrity nanay na hanggang ngayon ay aktibo sa pagwo-workout at pagkain ng masusustansiyang food upang manatiling healthy araw-araw.
Para sa Kapamilya actress at TV host, higit daw sa pagpapapayat, mas mahala pa rin ang pagkakaroon ng maganda at maliwanag na kaisipan at maayos na kalusugan.
Sa isang episode kasi ng “Magandang Buhay”, natanong si Juday at ang dalawa pa niyang co-host sa show na sina Melai Cantiveros at Jolina Magdangal kung paano sila nagpapapayat sa kabila ng busy nilang schedule.
Pahayag ng misis ni Ryan Agoncillo, “Ako kasi nasa stage na ako ngayon na siguro hindi na ‘yung pagpapapayat, mas naka-focus ako sa health.
“Kapag ang intention mo ay health, ‘yung weight loss sumusunod siya,” katwiran ng aktres.
Hirit pa ni Juday, “At saka ang pagpapapayat ay hindi ‘yan para sa ibang tao, para po ‘yan sa sarili n’yo.”
Sinang-ayunan din ni Juday ang payo ni Melai na pwede ring magsuot ng corset ang isang babae dahil nakakahubog daw ito ng katawan.
Sey ni Juday, “Malaking factor ‘yun, nakakaano (nakapagpapalakas) siya ng confidence ang corset kasi hindi ka makakakain, kasi masikip. Bawat lunok mo lumalaki ang tiyan mo sumusikip, ‘ay ayaw ko na kumain’ so papayat ka.”
Sabi naman ni Jolina, walang issue ang pagpapapayat for as long as ito talaga ang gusto n’yong mangyari sa inyong katawan. Ayon nga sa isang kasabihan, “your body, your rules.”
“Saka isa pa kung galing talaga sa puso, aalamin niyo, kasi ang dami talagang ways. Dapat i-motivate n’yo lang ang sarili n’yo dahil kapag nagpadala sa pressure ay walang mangyayari,” mariing sabi ni Jolens.
https://bandera.inquirer.net/318104/judy-ann-santos-tigil-muna-sa-pagba-vlog-dahil-sa-pagtaas-ng-bilihin-ayokong-hindi-maka-relate-yung-viewers
https://bandera.inquirer.net/305730/juday-ipinagdasal-ang-pagdating-ni-ryan-ito-pala-yung-feeling-na-niyayaya-kang-mag-date-dinadalaw-ka-sa-set
https://bandera.inquirer.net/305154/judy-ann-masaya-sa-covid-19-vaccine-experience-ng-mga-anak-all-in-kami