Andrea sa muling pagkikita nila ni Seth: Hindi naman kami na-kidnap na parang, ‘Uy hello! Kumusta ka?’
KAPANSIN-PANSIN ang tila ilangan sa pagitan ng Kapamilya youngstars na sina Andrea Brillantes at Seth Fedelin nang muling magsama sa presscon ng bago nilang digital series.
Ito ang iWantTFC original musical romantic-drama na “Lyric And Beat”, ang huling project ng tambalang SethDrea bago sila nagkahiwalay bilang magdyowa at magka-loveteam.
Ramdam ng mga dumalong members ng press at vloggers sa mediacon ng “Lyric And Beat” na may kaunting awkwardness sa pagitan nina Seth at Andrea nang muli ngang magkita after almost six months mula nang maglabasan ang mga intriga tungkol sa kanila.
Kaya naman tinanong ang dalawang bagets kung kumusta naman sila. Sagot ni Andrea, “We’ve spent more than two years of working na po and more than two years doon parang halos everyday. Kadenang Ginto po tsaka of course locked in pa po, mas everyday pa po ‘yun. So siyempre wala naman pong bago sa pagkikita namin.”
View this post on Instagram
Dagdag pa ng dalaga, “Hindi naman kami parang na-kidnap na parang ‘uy hello kamusta ka.’ Alam ko rin naman ang whereabouts niya kasi inevitable ‘yun e, kasi nag-IG ako nag TikTok ako, and ‘yung mga fans ng SethDrea of course tina-tag nila ako, and we are in the same industry.”
Aware rin daw siya sa mga isyung ibinabato sa kanila ni Seth mula nang maghiwalay sila.
“People talk, people will say something about me, about him na nakakarating sa amin kasi we have mutual friends so, hindi naman na talaga isolated kumbaga sa amin, and sobrang inevitable talaga na hindi naming alam kung ano ang nangyayari sa sa isa’t isa kasi nga nasa iisang indusrtriya kami,” aniya pa.
Tungkol naman sa naging working relationship nila ni Seth sa “Lyric And Beat”, “Ano po kasi, I’ve been in the industry since parang eight years old ako, and hindi lang naman ito ‘yung first time ko na may nangyari na tapos makaka work ko.
“Ang dami na pong experience ko na dati na-bully ako sa set, ‘yung mga ganu’n, pero gagawin ko pa rin, at ipapakita ko pa rin ang dapat na eksena.
“Kasi trabaho ‘to e, and kahit na acting acting lang sa iba, pero hindi, trabaho po ang maging isang artista. Binabayaran kami, umaasa ang mga tao sa amin, pinagkakatiwalaan kami ng mga boss na magawa namin ang trabaho namin ng maayos kaya kami binibigyan kami ganitong mga oportunidad kasi, alam nilang kaya namin,” lahad pa ni Andrea.
At hindi raw ito madaling gawin, “Minsan wala ka rin talagang choice kasi kailangan mong ipakita na gagawin ko ‘to.
“Kahit na ano pa ang sinasabi ng iba kahit na ito ang mararamdaman ko, artista ako, trabaho ko ‘to, kailangan ko siyang gawin at ‘yung mga fans namin na umaasa sa amin at nag-mamahal sa pa rin po sa amin,” sey pa ng dyowa ng basketball player na si Ricci Rivero.
Nagbigay din siya ng saloobin tungkol sa loveteam nina Seth at Francine Diaz.
“Actually, before filming Lyric and Beat parang December pa lang po ata, or end of December nabalitaan ko na po na magkakaroon na talaga ng FranSeth teleserye.
“Mga first week ng January (alam ko na). So, alam ko na rin naman na magkakaroon ng ganu’n. Hindi na rin po ako nagulat na may ganu’n na. Tulad nga po ng sinabi ko na inevitable talaga kasi we’re in the same industry na hindi ko malalaman as in darating rin siya ng darating,” aniya.
“Hindi rin naman ako nag-ask, kasi nalaman ko na rin yun pero of course, gagawin ko pa rin ‘yung Lyric And Beat kasi ano ‘to e, kasi at least makapag ba-bye ng maayos sa SethDrea or ganu’n
“I am happy for them and of course, I am happy for the FranSeth fans kasi they’ve waited for this for very long time and I’m happy na nabigay ‘yung request nila and I wish na sana maging okay and maging successful.
“As in wala akong any ill feeling sa kanila both and ayun sana maging masaya. Ito ‘yung parang first FranSeth, so I am very excited for their project,” ani Andrea.
https://bandera.inquirer.net/315367/wish-ng-fans-para-kina-seth-at-francine-sana-kayo-na-ang-magkatuluyan-sa-ending
https://bandera.inquirer.net/319011/andrea-brillantes-seth-fedelin-nag-sorry-sa-isat-isa-walang-pinagsisisihan-kahit-hindi-nagkatuluyan
https://bandera.inquirer.net/310542/andrea-umaming-2-taon-naging-dyowa-si-seth-dinenay-na-sinugod-si-francine-sa-dressing-room
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.