KINUMPIRMA ni Enrique Gil na hindi na muna sila magkakasama ng kanyang girlfriend na si Liza Soberano sa kahit anong project ngayong taon.
Plano ng dalawa na mag-focus muna nang solo sa kani-kanilang showbiz career kaya sorry muna sa lahat ng LizQuen fans na umaasang mapapanood na nila uli ang magka-loveteam anytime soon.
“Wala munang LizQuen for the moment, for the meantime, since busy pa ‘yung baby ko.
“Pero darating po ‘yan promise. Gusto ko muna i-follow niya ‘yung big break niya, mag-Hollywood, mag-US. Alam mo kung mahal mo ‘yung tao, kahit anong gusto niyang gawin susuportahan mo talaga,” pahayag ng aktor sa isang panayam.
Kasalukuyang nasa Amerika si Liza at sinusubukan ang kanyang swerte sa Hollywood with her new manager James Reid.
Huling nagkasama sina Liza at Enrique sa Kapamilya series na “Make It With You” noong 2020 na isa sa mga programa ng ABS-CBN na nakansela sa ere dahil sa COVID-19 pandemic.
Sa nasabi ring panayam, kinumpirma nga ni Enrique ang pagbabalik niya sa showbiz makalipas ang dalawang taong pamamahinga.
“Yes, definitely I’ll be back. Actually, I think alam niyo na na nag-meeting ako with the creative team of ABS-CBN. And I’ve also been meeting with other parties as well.
“Non-stop naman ‘yun. So I’m really thankful for everybody, you know, offering me projects left and right.
“But since ito ‘yung comeback ko, I just really want to make sure I choose the right one. Hindi ako tatanggap lang basta-basta. I’m at that point na gusto ko mag-level up din ng career,” aniya pa.
Dagdag pang pahayag ng aktor, “It’s time for me to take a different track, different genres. ‘Wag kayong mag-aalala, ibang genre na ‘yung gagawin ko. Walang bagong love team pero siyempre sa lahat ng istorya may kasamang love pero hindi po ‘yun ‘yung focus. ‘Yung gusto kong focus ngayon is me, myself.
“Ang wish ko lang talaga for our film industry, ang plano ko is to make a comeback and to really do something, like a great project na hindi pa masyadong nakikita dito sa industry natin sa Pilipinas.
“So gusto ko, hindi naman pang-international, pero pwede nating pambato. Like what the Koreans are doing with their movies.
“So doon ako nag-meeting with ABS. Hopefully we can come up with really amazing films na sana para sa akin magle-level up sa mga ginagawa natin dito,” chika ng boyfriend ni Liza.
https://bandera.inquirer.net/314580/liza-soberano-wala-nang-kontrata-sa-abs-cbn-enrique-gil-lilipat-na-sa-gma-7
https://bandera.inquirer.net/315586/ogie-diaz-pinatunayang-hindi-naghiwalay-sina-liza-soberano-at-enrique-gil
https://bandera.inquirer.net/291674/enrique-hindi-malilimutan-ang-pakiusap-ng-isang-fan-i-think-we-need-to-do-two-weddings