Julie Anne ibinandera ang pagmamahal kay Rayver sa pakilig na birthday message, sagot ng aktor: Mahal kita Jules!

Rayver Cruz at Julie Anne San Jose

MASASABING magdyowa na yata talaga sina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose base na rin sa inilabas na larawan ng singer-actress sa kanyang Instagram ngayong araw.

Nag-selfie kasi silang dalawa habang ang singer-actor ay nakadikit ang pisngi sa dalaga na malapit sa leeg.

Si Julie Anne na mismo ang nag-reveal kung ano ang real score sa kanila ni Rayver bilang “regalo” niya sa kaarawan ng aktor ngayong araw, Hulyo 20.

Ang mga ganitong kuha kadalasan ay magkarelasyon na at kung hindi man ay alam na nila na pareho silang may feelings sa isa’t isa.

Ang caption ni Julie Anne sa kanyang IG post, “Today is your day and I could not be more proud and happy about all the good things that are coming to you and what you have accomplished.

“May you continue to inspire with all your passion and kindness because you make so many people happy and even a better version of themselves, even me.


“When you feel like doubting yourself, you can believe in me as someone who believes in you and know that I am always here for you.

“As the sun sets and today passes, always remember that you are amazing! You, in your own essence, are the best. I am more than grateful and blessed to witness this each day,” pahayag ng aktres-singer at TV host.

At ang nakakaintrigang sabi pa ni Julie Anne, “You know the rest (smiling face emoji). Happiest birthday, Ray (gold crown at heart emoji).”

Ito naman ang sagot ni Rayver sa aktres, “Thank youuuu sa lahat lahat my everyday inspiration. mahal kita Jules!”

Bumuhos naman ang mga pagbati sa binata mula sa kanyang mga fans at celebrity friends kabilang na riyan sina Valeen Montenegro, Rita Daniela, Geneva Cruz, Jessa Zaragoza, Sunshine Cruz at marami pang iba. Siyempre, hindi rin nakalimot ang kapatid niyang si Rodjun Cruz at ang partner nitong si Dianne Medina.

Happy birthday, Rayver Cruz!

https://bandera.inquirer.net/308116/rayver-next-year-daw-balak-magkadyowa-si-julie-anne-na-nga-ba-ang-susunod-na-gf

https://bandera.inquirer.net/317214/love-life-hugot-ni-julie-anne-san-jose-okay-lang-naman-maghintay-basta-alam-mong-worth-it-ang-paghihintay

https://bandera.inquirer.net/298261/julie-anne-sa-pagkabigo-sa-pag-ibig-bakit-ako-ba-yung-nagkulang-saan-ako-nagkamali

Read more...