Herlene Budol handang-handa nang makipag-awrahan sa Bb. Pilipinas 2022: Ito na! Ilalabas ko na po lahat!

Herlene Budol

HABANG papalapit na nang papalapit ang grand coronation night ng Binibining Pilipinas 2022 pageant ay painit din nang painit ang mga paandar ng mga official candidates.

Siguradong kanya-kanya nang paghahanda ang mga kandidata para sa finals night ng nasabing national pageant na magaganap sa July 31, 10 p.m., sa Araneta Coliseum.

Isa sa mga talagang inaabangan ng mga Pinoy pageant fans ay ang pagrampa ng Kapuso comedienne na si Herlene Budol o mas kilala sa tawag na “Hipon Girl” na isa sa mga early favorites among the 40 candidates.

Ayon kay Herlene, hanggang ngayon ay patuloy ang ginagawang paghahanda ng lahat ng kandidata ilang araw bago ang pinakahihintay na judgment day.

“Ito na e. Ilalabas ko na po lahat ng pinaghirapan naming lahat,” pahayag ni Herlene sa panayam ng GMA.


Hirit pa niya, “Naipon po ‘yung pagod, hirap na ito, isang bugahan lang. Sa tinagal-tagal po namin nag-training ng pasarela, ng Q&A, konting oras lang po namin ibibigay ‘yun sa isang stage, ‘di ba? Kaya sobrang excited po kaming lahat.”

Halos lahat ng mga nababasa naming comments sa social media ay nagsabing abangers na sila sa coronation night ng Binibining Pilipinas 2022 at looking forward sila sa paglaban ni Herlene.

In fairness, hindi pa man nagaganap ang finals night ng pageant ay maituturing na ring winner si Hipon Girl dahil sa sunud-sunod na blessings ang dumarating sa buhay niya.

Kamakailan ay natapos na ng dalaga ang kanyang kursong Bachelor of Science in Tourism Management sa College of Saint John Paul II.

Bukod dito, niregaluhan din siya ng house and lot ng kanyang talent manager na si Wilbert Tolentino para magsilbing motivation sa pagrampa niya sa Binibining Pilipinas 2022.

“Every time na umiiyak siya nang nawala si Nanay Bireng lagi niya sinasabi, ‘Nanay sorry, hindi mo naabot ‘yung bahay’.

“Although si Hipon, alam talaga niya, iyon talaga ‘yung pang motivatation ko sa kanya, kung si Madam Inutz bago siya pumasok sa PBB magkakaroon na siya ng bahay.

“Si Hipon naman bago siya pumasok sa BBP meron din siyang bahay, so bigyan na talaga niya ng effort ng times three, times five. Ibigay na niya lahat pinaka-energy niya, dahil one crown, one dream, one infinite possibility. Siyempre, one crown lang makuha niya, one crown can make her a superstar,” pahayag pa ni Wilbert.

https://bandera.inquirer.net/314425/herlene-budol-binabatikos-ng-mga-netizens-i-love-the-duality

https://bandera.inquirer.net/311488/herlene-budol-pasok-sa-top-40-ng-binibining-pilipinas

https://bandera.inquirer.net/283280/rabiya-luha-dugot-pawis-ang-puhunan-sa-paglaban-sa-miss-u-i-want-to-win

Read more...