UMAASA ang kontrobersyal na filmmaker na si Darryl Yap na ngayong nasa Malacañang na uli ang pamilya Marcos, matutulungan na ni Sen. Imee Marcos ang Philippine movie industry.
Ayon kay Direk Darryl, mas malaki at mas malawak ang maibibigay na tulong ng senadora sa entertainment industry ngayong Pangulo na ang kapatid niyang si Ferdinand “Bongbong” Marcos.
“Ngayong nakabalik na ang mga Marcoses, naniniwala ako na gaya noon, mabibigyan ng pansin ni Senator Imee Marcos ang industriya at talagang yun ang pinaniniwalaan ko.
“Kapag ang gobyerno ay willing sumuporta gaya ng nangyayari ngayon sa South Korea, nagiging mas mabilis ang pagpo-produce, ang paggawa ng mga pelikula, hindi po gaya sa atin noong mga nakaraang taon,” pahayag ni Darryl sa naganap na grand presscon ng bago niyang obra, ang “Maid In Malacañang.”
Nabanggit din ni Darryl ang ilang local government units na nagbibigay halaga sa mga film productions.
“Sa Ilocos Norte po, kapag magsu-shoot ka, hindi ka po magbabayad ng location. Libre yun at nagbibigay pa po sila ng accomodation.
“Ang kanilang tourism industry ay gustong tulungan ang pelikula. Para sa akin yun dapat muna ang atupagin ng ating industriya. Dapat bago ka magbigay ng kolorete o palamuti, kailangan malusog muna ang industriya. At yun po ang aking paniniwala,” aniya pa.
Samantala, inamin ng direktor na may tatlong eksena sa “Maid In Malacañang” na pinutol niya at may paliwanag naman siya hinggil dito.
“Meron po akong tatlong eksena na hindi ko na isinama dahil mabigat sa dibdib. Meron akong isang tinanggal dahil masyado naman nakakatawa.
“Yung isa naman tinanggal ko dahil masyadong nakakaiyak. Yung isa naman po, baka may mangyari sa amin na hindi maganda kapag nilabas po. Okay lang naman ako na pinagagalitan wala lang demanda.
“Siguro pagdating ng panahon, puwede ko na rin ilagay sa director’s cut at sa palagay ko magugustuhan din ng tao yun,” esplika pa niya.
Nagkuwento rin si Sen. Imee sa presscon ng “Maid In Malacañang” kung paano nabuo ang konsepto ng pelikula.
“Nag-umpisa talaga ito sa kalokohan at biruan. Sabi ko pagkatapos ng LenLen sa online, wala na akong career. Ano ang gagawin natin.
“So sabi ko tara, gawa tayo ng sine. Sabi nya tungkol sa last 72 hours in Malacanang. Sabi ko hindi naman nakakatuwa yun.
“Nguni’t nung nilabas sa online, patumpik-tumpik lang, na may gagawing sine tungkol dun sa Malakanyang, ovewhelming ang response. Ngayon naman kabado na ako at high ang expectations,” sabi ng senadora.
Dagdag ni Darryl, “Kalagitnaan ng election, nag-offer ako na gumawa ng film. Akala ni senator nagjo-joke lang ako. Tapos na pitch ko na sa Viva.
“Sa tingin ko yung pagmamahal ng tao nitong nakaraang election na magprovoke naman sa akin para bigyan ng pagkakataon ng tatlong dekada na mapakinggan at mapanood naman sa loob ng Malakanyang dahil ako noong pinanganak noong 1987, ang version na nalaman ko ay yung nasa libro, yung masyadong popular na version.
“So ‘yun ang nag-trigger sa akin na gawin. Sobrang hindi totoo ang mga sinabi po nila sa mga taong ito. Lalo na kay Senator Imee. I can only speak for Senator Imee dahil sya ang madalas kong kasama,” paliwanag ng filmmaker.
Pahabol pa ni Darryl, “This movie is for them talaga. I’ve always been vocal na lahat ng ginagawa ko ay para sa mga hindi naniniwala. Mula sa aking unang pelikula, naniniwala pa rin ako na ang tunay na kritiko ay yung mga nagsasabing hindi nila panonoorin nguni’t panonoorin pa rin nila.
“Masayang-masaya ako sa atensyon, panahon at higit sa lahat, sa suporta ng nagtatago sa gitna ng criticisms. Dahil ang tagumpay ng pelikula ay hindi lamang sa papuri kundi sa maga masustanya at kapaki-pakinabang na puna na maaaring galing sa mga kakampi at kalaban nguni’t ang mahalaga, sabi nga ni Boss Vic (del Rosario), nanood yung kalaban. So ‘yun pa lang masaya na ako.
“If this film has a sequel? Ang alam ko, baka pagalitan ako, ang alam ko talaga trilogy ito. So naghihintay pa lang ako. Alam n’yo naman na napalka supportive ng Viva. Ngayon pa lang, yung pag papahayag ng publiko sa ‘Maid In Malacanang’ hindi malabong mangyari.
“So baka mahilot-hilot pa namin si Boss at si Senator. So nakasalalay, ang sequel sa suporta ng sambayanang Filipino,” dagdag ni Darryl Yap.
https://bandera.inquirer.net/317693/darryl-yap-boldyak-sa-netizens-dahil-sa-eksena-sa-maid-in-malacanang-gumamit-pa-talaga-ng-sulo-may-aswang-ba-diyan
https://bandera.inquirer.net/318996/bakit-nainis-si-imee-marcos-sa-panggagaya-sa-kanya-ni-cristine-reyes-sa-maid-in-malacaang
https://bandera.inquirer.net/316952/cristine-sa-pagganap-bilang-imee-marcos-ang-tindi-ng-pressure-pinag-aralan-ko-talaga-bawat-salita-at-kilos-niya-pati-ikot-ng-mata