Neri Miranda may hugot sa ear piercing: Mas masakit pa yung panloloko ng ibang tao sa ’yo…

Neri Miranda

NATUPAD na rin sa wakas ang matagal nang gustong gawin ng actress-entrepreneur na si Neri Naig sa kanyang tenga.

Yan ay ang magpadagdag ng butas sa kanyang right ear. Aniya, takot daw talaga siya sa karayom kaya medyo natagalan bago siya nagkalakas ng loob na gawin ito.

Kahapon, July 19, nag-post ang 36-year-old mom at wais na misis na napabutasan na nga niya uli ang kanang tenga kalakip ang kanyang litrato.

Aniya sa caption na may hashtag pang #FeelingCoolMom, “Finally!! Dalawa agad ang pinabutas ko, hihi!

“Di naman masakit.

“Sobrang takot ako sa needle pero gusto ko talaga magpadagdag butas ng tenga. At kanina sinamahan ako ng buong pamilya ko sa @55tinta para magpabutas, hehe!

“Di talaga masakit. Mas masakit pa yung pinaraktis kong kurot sa tenga ko para ma-anticipate ko yung sakit kunware,” mensahe pa ng misis ng Parokya ni Edgar frontman na si  Chito Miranda.

Kasunod nito, hinikayat din niya ang mga kapwa nanay na magpa-pierce na ng kanilang tenga kung matagal na nila itong gustong gawin.


“Sa lahat ng mga mommies na matagal nang gustong magpa-pierce ng ears, look for Ms. Elaine sa Tinta kase ang gaan ng kamay nya. Napadalawa agad ako ng butas, hehe!

“Di to sponsored post. Sooobrang natuwa lang talaga ako kase di ako nasaktan. Mas masakit pa yung panloloko ng ibang tao sa ’yo. May hugot, hahaha!” aniya pa.

Kamakailan lamang ay masayang ibinalita ni Neri na natapos na niya ang kanyang kurso na Business Administration sa University of Baguio.

Yan ay sa kabila nga ng pagiging busy niya sa mga negosyo nila ni Chito at sa pagiging nanay ng dalawa nilang anak na sina Miggy and Cash.

https://bandera.inquirer.net/293390/neri-nagpabakuna-kontra-covid-kahit-buntis-hindi-masakit-yung-gamot-mas-masakit-pa-yung-swab

https://bandera.inquirer.net/286607/alex-problemado-sa-ipinatatayong-dream-house-masakit-sa-ulo-kasi-nag-feeling-ako

https://bandera.inquirer.net/285752/gma-films-executive-annette-gozon-na-stroke-nalamang-may-butas-ang-puso

Read more...