Moira nagluluksa na naman sa pagpanaw ng personal driver: Hindi ko pa rin alam kung paano magpaalam sa isang katulad mo…

Moira dela Torre at Kuya Baj

NAGLULUKSA na naman ang Kapamilya singer-songwriter na si Moira dela Torre dahil sa pagpanaw ng kanyang personal driver na itinuturing na rin niyang kaibigan.

Nagpaalam ang OPM hitmaker na nagpasikat ng “Malaya,” Paubaya,” at “Tagpuan” sa kanyang close friend na tinawag niyang “Kuya Baj” sa pamamagitan ng social media.

Nag-post ang “Idol Philippines” judge sa Instagram ng litrato nila ng kanyang yumaong driver at sinabing ngayon pa lang ay miss na miss na niya ito.

Sabi ni Moira sa caption, “Kuya Baj, salamat po sa lahat. Hindi ka lang naging mabuti na driver sa ‘kin, kundi mabuting kaibigan na rin.

“Lahat ng kaibigan ko at mahal ko sa buhay, mula banda hanggang kamag-anak, minahal mo rin,” mensahe ng award-winning singer at composer.

Patuloy pa niya, “Hindi ko pa rin po alam paano magpaalam sa isang katulad mo, Kuya Baj.

“Kaya magpapasalamat na lang ako sa ‘yo… sa pagtahan sa ‘kin sa mga araw na mag-isa ako at sa pag-patawa sa amin sa bawat pagkakataong mahanap mo.

“Salamat sa pag-intindi kuya, at sa pagbigay sa akin ng pamilya nu’ng mga araw na pakiramdam ko mag-isa ako.


“Mami-miss ko tawa mo, kuya baj. pati yung mga advice mo na minsan maka-Diyos, minsan bastos. Pahinga ka na, kuya.

“Mahal na mahal ka namin. Miss ko na tawa mo. salamat sa lahat. Love you, Kuya Baj,” ang kabuuang mensahe ni Moira sa kanyang kaibigan.

Noong kasagsagan ng kontrobersyal na breakup nina Moira at Jason Hernandez, nabanggit ng singer nagsunud-sunod ang malulungkot na pangyayari sa mga mahal niya sa buhay.

“Namatay po ‘yung bestfriend ko, nalaman kong may cancer ‘yung driver ko, namatay ang tito ko. And I didn’t know how I was going to process. Nag-shutdown ako,” pahayag ni Moira.

Kaya naman nagpasalamat siya sa kanyang “Idol Philippines” family na naging karamay niya sa gitna ng mabibigat na pagsubok na kinakaharap niya.

“Feel ko po kung hindi Idol season, hindi po ako binigyan ni Lord ng mga kaibigan ko ngayon. I don’t think I would be as strong as I would have been.

“Sobrang perfect timing ng pagdating ng mga tao sa buhay ko ngayon. I showed up to work and instantly, the strength of Mama Regs, Tito Gary (Valenciano), the whole staff, they were just there,” sey pa niya.

https://bandera.inquirer.net/315025/moira-nagsalita-na-ukol-sa-hiwalayan-nila-ni-jason-while-our-marriage-was-not-perfect-i-have-stayed-true-to-my-vows

https://bandera.inquirer.net/315518/moira-nagluluksa-hindi-lang-dahil-sa-breakup-nila-ni-jason-namatay-din-bestfriend-ko-may-cancer-yung-driver-ko-namatay-ang-tito-ko

https://bandera.inquirer.net/315042/vice-ganda-sinupalpal-ang-netizen-na-sinabing-susunod-na-siya-kay-moira-na-makikipaghiwalay

Read more...