Alexa Ilacad ibinuking ang sikretong talento ni KD Estrada; Kering-keri niyang gayahin si….

KD Estrada at Alexa Ilacad

ALIW na aliw ang mga KDLex supporters sa pambubuking ni Alexa Ilacad sa isang “sikreto” ng ka-loveteam niyang si KD Estrada.

Alam n’yo ba na may isang talento pala itong si KD na hindi pa alam ng kanyang mga fans — at ito ay ang panggagaya niya sa isang sikat at magaling na Kapamilya singer.

Mismong si Alexa ang nagsapubliko ng sikretong talent ni KD sa latest vlog ni Luis Manzano sa YouTube channel nitong “Luis Listens.” Ito nga ay ang panggagaya ng aktor at singer kay Erik Santos.

Tinuksu-tukso pa ng dalaga ang kanyang ka-loveteam na gayahin ni KD ang boses ng Kapamilya singer, “Lagi niyang ginagaya si kuya Erik Santos!”

“Kasi may distinct voice si kuya Erik, ‘di ba. And ang galing, ang galing. I’m not doing it to, like, mock him,” chika naman ni KD.

Sey ng binata, noong mag-guest daw siya sa “ASAP Natin ‘To” ng ABS-CBN nang malaman niyang kering-keri niyang kopyahin ang boses at style ng pagkanta ni Erik.

“One day he just suddenly discovered his talent in trying, being (Erik Santos). And he won’t stop! He won’t stop,” chika naman ni Alexa.

“Araw-araw ginagawa niya. Kahit naglalaro kami ng Call of Duty, bigla na lang kakanta ‘yan ng ‘I’ll Never Go.’ Stop!” dagdag pa ng Kapamilya actress-singer.

Tinanong naman ni Luis si KD kung knows na ba ni Erik na kaya niyang gayahin ang boses nito, sagot niya “No! Hindi pa.”


Hirit ni Luis, “Erik ah. Kita mo ‘yung ginagawa ni KD, ah.”

Samantala, sa kauna-unahang pagkakataon, magkasamang lilipad patungong Amerika sina Alexa at KD para sa “Beyond The Stars: Star Magic US Tour” ngayong August.

Ito ang next project ng magka-loveteam pagkatapos ng kanilang hit Kumu at iWantTFC series na “Run To Me”.

Nagsimulang maging close ang dalawang Kapamilya stars nang magkasama sa loob ng Bahay ni Kuya bilang celebrity housemates ng “Pinoy Big Brother: Kumunity Season10.”

https://bandera.inquirer.net/312515/alexa-ilacad-umamin-na-kay-kd-estrada-i-dont-fear-the-future-anymore-because-i-have-you-with-me

https://bandera.inquirer.net/316571/alexa-ilacad-kd-estrada-sa-posibilidad-na-maging-dyowa-the-intent-is-there
https://bandera.inquirer.net/317004/promise-ni-kd-estrada-kay-alexa-ilacad-i-want-to-be-with-you-i-want-to-give-you-what-you-deserve

Read more...