Andrea Brillantes humiling ng dasal para sa lolang tinamaan ng COVID-19; Eula Valdes balik-GMA 7 na rin

Andrea Brillantes at Eula Valdes

TINAMAAN ng COVID-19 ang lola ni Andrea Brillantes kaya ang panawagan niya sa kanyang mga fans na sana’y isama ito sa kanilang pagdarasal.

Naniniwala ang young actress na sa pamamagitan ng sabay-sabay na panalangin ay mas madaling gagaling ang pinakamamahal niyang lola.

Kamakalawa, July 16, nag-post ng mensahe si Andrea sa Instagram story kung saan hiniling nga niyang ipagdasal ang kanyang lola kasabay ng panawagan sa lahat ng Filipino na maging responsable at huwag na lang lumabas kapag masama ang pakiramdam.

“Goodevening Brillants. Recently, almost everything has been back to normal.

“However, my 82-year-old lola still acquired covid (sad emoji) if it’s not too much to ask for, it would mean a lot if you’ll include here in your prayers for fast recovery and healing (sad and pray emoji).

“Please stay safe everyone and remember to be responsible when going out since there are still a lot who are very vulnerable to COVID-19,” ang pahayag ni Andrea.

Sa isang YouTube vlog ni Karen Davila, nabanggit ni Andrea na talagang close na close siya sa kanyang lolo at lola dahil lumaki siya sa pag-aalaga ng mga ito noong bata pa siya.


* * *

Siguradong mahu-hook ang Kapuso viewers sa upcoming GMA Afternoon Prime series na “Return to Paradise.”

Bukod sa hottest new couple na sina Derrick Monasterio at Elle Villanueva na bibida sa serye ay magiging parte rin nito ang batikang aktres na si Eula Valdes.

Kwento ni Eula sa panayam ng GMA, handang-handa na siya sa kanyang TV comeback sa Kapuso Network.
Aniya, “Excited ako to be back with GMA kasi ang tagal na rin naman and I would like to thank GMA rin. Swak na ‘yung schedule ng paggawa ng bagong show, kumbaga fully charged na ako.”

Kasama rin sa cast ng “Return to Paradise” sina Teresa Loyzaga, Ricardo Cepeda, Liezel Lopez, Kiray Celis, Karel Marquez, Paolo Paraiso, at Allen Dizon.

https://bandera.inquirer.net/284239/eula-naranasan-ang-matinding-init-habang-nakamotor-mas-bumilib-sa-mga-delivery-rider

https://bandera.inquirer.net/305285/angel-pinaratangan-nang-manawagan-sa-wais-na-pagboto-huwag-nyong-bolahin-ang-mga-tao

https://bandera.inquirer.net/282189/carlo-sa-mga-walang-awang-bashers-bakit-naman-pati-mga-sanggol-na-walang-kalaban-laban

Read more...