Damage warranty

Bumili si Bandera texter …3665, ng Barangay Balangasan, Pagadian City, ng bagong motorsiklo at binayaran niya ito ng hulugan.

Ipinaliwanag sa kanya na mas mura ang kanyang babayaran kung ito ay  bibilhin ng cash pero hindi naman lahat ay kaya itong gawin.

Ang hindi naipaliwanag ng husto sa kanya ay ang warranty policy ng binibili niyang sasakyan sa pamamagitan ng installment.

Nakalagay sa manual ang warranty policy pero kadalasang hindi na napapansin ang fine print nito na mahirap basahin dahil sa liit ng mga letra. Kalimitan na hindi isinasama sa warranty ng mga dealer ang mga piyesa na madaling masira.

Kasama sa mga piyesa na ito ang spark plugs, brake pad, brake shoe, bombilya, fuse, fuel filters, gulong, inner (interior) tube, oil filter elements, drive chain, air cleaner, clutch disc, drive belt, roller set weight, cables at iba pang piyensa na de-goma.

Hindi rin isinasama ng mga dealer sa warranty ang mga motorsiklo na isinabak sa karera at mga kaparehong bagay bagamat mayroong mga nagbebenta na nagsasabi na maaaring gamitin ang motorsiklo na pangarera kapag tapos na ang brake-in.

Matapos itong ma-tune-up, kakayanin na nito ang mga kompetisyon pero kapag nasira, ang may-ari ang sasagot ng gastos.

Nababalewala rin ang warranty kapag ipinagawa ang motorsiklo sa mga talyer sa gilid ng mga kalsada at kahit na ang may-ari ng sasakyan ang nagkumpuni.

Otomatiko ring tanggal ang warranty kapag may binago sa sasakyan kahit pa napakaliit na bagay nito.
At kakamot din ng ulo ang bumili ng bagong motorsiklo kung kasali sa warranty policy ang “improper transport”.

Mayroong iba’t ibang interpretasyon sa ‘improper transport’. Kung sa lugar kung saan lubak-lubak ang kalsada, malamang tanggal agad ang warrant mo.

MOTORISTA
Speedometer
BAKIT madaling masira ang speedmeter?
…0626

BANDERA
HINDI mo binanggit ang brand ng motorsiklo o scooter.  Gayunpaman, kailangang lapat ang mga turnilyo ng bahay ng speedometer dahil mas madalas maalog ito kesa sa mismong katawan ng motor.

Dahil sa malambot na suspension o shock sa harap ay karaniwang hindi nararamdaman ng rider ang lakas ng alog.  Maaari ring mula sa kable ang sanhi ng pagkasira ng speedometer, na karaniwang nangyayari.

Maraming replacement cable pero mas makabubuti na ang mismong brand ang ipalit.  Karaniwang replacement cable ay mas mahaba ang kable kesa original, kaya’t may peligro na sumabit ito habang tumatakbo.

Mahalaga ang speedometer dahil bukod sa milyahe na sinusukat nito ay gabay din ito para hindi sumobra ang bilis.

MAY reklamo ka ba sa E-10 gasoline, peke at substandard na piyesa, at ilang bagay hinggil sa fuel, lubricants, motor, atbp?  I-text sa 0917-8446769

Classifieds Motor
SWAP XRM 2010 0916-8292552

PARA sa inyong mga riders, mechanics, motorcycle salesmen, parts distributor at insurance companies ang Bandera Motor Section Classifieds. Puwede ninyong i-text ang inyong ibinebentang motor sa BMS Classifieds at libre ito (one liner lamang).  Halimbawa: YAM Mio P40 (cell phone number).  Kung gusto ninyong makipagpalit, text: SWAP XRM 2010 (cell phone number).  Kung gusto ninyong i-text ang inyong serbisyo, i-text: MECHANIC Sam (cell phone number).  VINTAGE bike (cell phone number).  PARTS (cell phone number).  INSURANCE (cell phone number).  I-text ang mga ito sa 0917-8446769

Read more...