Ria nagluluksa sa pagkamatay ng alagang pusa; sasabak na sa shooting ng 'Ex Factor' kasama sina Jake at Carlo | Bandera

Ria nagluluksa sa pagkamatay ng alagang pusa; sasabak na sa shooting ng ‘Ex Factor’ kasama sina Jake at Carlo

Ervin Santiago |July 17,2022
facebook
share this

Ria nagluluksa sa pagkamatay ng alagang pusa; sasabak na sa shooting ng ‘Ex Factor’ kasama sina Jake at Carlo

Ervin Santiago - July 17, 2022 - 10:50 AM

Ria Atayde at Kaspian

NAGLULUKSA ngayon ang Kapamilya actress at film producer na si Ria Atayde dahil sa pagpanaw ng kanyang alagang pusa na si Kaspian.

Ibinalita ng dalaga sa publiko ang malungkot na balita sa pamamagitan ng kanyang Instagram account last July 13.

Ayon kay Ria, talagang parang tunay na “anak” na ang turing niya kay Kaspian na kasa-kasama niya sa loob ng maraming taon na isa rin sa naging saksi sa lahat ng mga pinagdaanan niya sa buhay.

“No words. Thank you for never making me feel alone the past 7 years. I love you so much Kaspian. I’ll miss you always,” ang caption ni Ria sa litrato ni Kaspian na ipinost niya sa IG.

Nabanggit din ng anak nina Sylvia Sanchez at Art Atayde na nu’ng una ay wala talaga siyang hilig sa pusa pero nagbago ito nang alagaan niya ang alagang pusa ng isang kaibigan sa loob ng isang buwan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ria Atayde (@ria)


Nagpasalamat din ang aktres sa lahat ng nakiramay sa pagkawala ni Kaspian kalakip ang mga super cute photos nila ng alaga throughout the years.

“My whole heart. Life won’t be the same without you. Thank you to everyone who sent their love. Appreciate it so much,” sey pa ni Ria sa caption.

Sa isang panayam kay Ria, naikuwento niyang takot noon sa mga lalaki si Kaspian dahil madalas daw itong ginugulat ng kapatid niyang si Cong. Arjo Atayde kapag nilalambing niya ito.

At knows n’yo ba na isa si Kaspian sa ginagamit ni Ria na motivation kapag may mga crying scene siya sa kanyang mga teleserye at pelikula. Iniisip lang daw niya ang biro ng tatay niyang si Papa Art na ibebenta raw nito si Kaspian nang hindi niya alam.

Samantala, tuloy na tuloy na ang shooting ni Ria para sa bago niyang movie na “Ex Factor” kung saan makakasama niya sina Carlo Aquino at Jake Ejercito.

Mismong si Sylvia ang nagbalita nito sa madlang pipol sa pamamagitan ng kanyang Facebook at IG account.

Aniya sa caption ng picture nina Ria, Jake at Carlo, “Soon: EX-FACTOR series, written by @jekoaguado, directed by @bradliew, a Nathan Studios and Epicmedia production, topbilled by @ria, @jose_liwanag & @unoemilio. We can do this @biancabalbuena!”

Nauna nang naikuwento sa amin ni Ibyang na apat na pelikula ang nakatakdang gawin ng kanilang Nathan Studios at isa na nga riyan ang “Ex Factor” at ang “Langit, Lupa, Impiyerno” na pagbibidahan din ni Ria kasama sina Kokoy de Santos at Kyle Echarri.
https://bandera.inquirer.net/311433/ria-atayde-pinaiyak-ni-sylvia-sanchez-sa-harap-ng-press-never-akong-humingi-ng-favor-para-sa-mga-anak-ko

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/283921/yassi-nag-birthday-kasama-ang-mga-asot-pusa-my-heart-is-so-so-full
https://bandera.inquirer.net/295585/talent-manager-nagbago-na-nagmamaganda-dahil-may-alagang-beauty-queen

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending