Hidilyn Diaz magpapakasal kay Julius Naranjo sa mismong petsa nang manalo siya ng gold medal sa Tokyo Olympics

Julius Naranjo at Hidilyn Diaz

TATLONG location pala ang ginamit para sa bonggang-bonggang prenup shoot ni Olympic gold medalist Hidilyn Diaz at ng kanyang fiancé na si Julius Naranjo.

Super fun at talagang feel na feel ng engaged couple ang kanilang pictorial na kinunan pa sa Baguio City.

“Napakasaya ng pre-nup shoot na ginanap sa Northern Blossom Flower Farm, Baguio Country Club, at Stronghold Athletics, di ko ito makalimutan kasi napatawa nila si Julius ng 9.5.

“Hindi ko rin makalimutan kung gaano kaganda ang view sa Atok Benguet at Baguio, at kung gaano kasaya kasama ang mga kasama namin dito sa shoot,” ani Hidilyn sa kanyang Facebook post.

Mixed emotions daw ang naramdaman ng weightlifter habang ginaganap ang kanilang prenup shoot.

“Di ko makalimutan ang tawa, pagod, takbo, at hingal sa shoot na ito pero tignan niyo, ang ganda ng kuha! Sana napasaya namin kayo,” sey pa ni Hidilyn.


Kinumpirma rin niya na magaganap ang kasal nila ni Julius sa mismong petsa nang manalo siya ng Olympic gold medal sa 2020 Summer Olympics sa Tokyo, Japan noong July 26, 2021.

“Mag-iisang taon na pala ang pagpapanalo natin ng Gold medal sa Olympics, at ngayon July 26, 2022 magpapakasal na kame ni Julius Irvin Hikaru T. Naranjo,” aniya pa.

Hindi rin daw naging madali para sa kanila ni Julius ang ipaglaban ang kanilang pagmamahalan dahil na rin sa mga pagsubok na pinagdaanan nila.

“Di naging madali ang pinagdaanan namin bilang magkasintahan, maraming naghusga, maraming nagduda, ang daming iyak, at ang daming sakripisyo pero nanaig ang pagmamahal sa isa’t isa, pagmamahal sa ginagawa, pagmamahal sa bansa, at pagmamahal sa Diyos,” pag-amin ni Hidilyn.

Samantala, ibinandera rin ni Julius sa social media ang ilang pre-nuptial photos nila ng kanyang future wife at excited na raw siya para sa kanilang Big Day.

“It is fast approaching a year since @hidilyndiaz and I along with #TeamHD had accomplished something so great.

“We’ve sacrificed a lot and had pushed back a lot for the country. However, now it’s different, we have bigger responsibilities and more to prove. But first, we want to celebrate US.

“Here’s to more struggles, more training, more laughter, more success. Here’s to forever,” mensahe ng coach at fiancé ni Hidilyn.
Noong October, 2021 in-announce nina Julius at Hidilyn sa publiko ang kanilang engagement.

“I’m grateful to God that He sent Julius into my life, he make my life easy, alam ng iba kung ano mga sinasakripisyo niya para maabot namin ang pangarap na Ginto sa Olympics together with #TeamHD,” ang caption ni Hidilyn sa kanilang engagement photos.

Aniya pa, “Nun laro kinilig at masaya ako kasi siya mismo nagsabi God is the center of our relationship, kaya walang duda magye-YES ako dahil swerte ako may isang Julius nagmamahal, nagintindi, at sumuporta sa ’kin.”

“We’re planning a simple private wedding in Mount Costa in Baguio. The place doesn’t really matter as long as God is there and our loved ones,” ang sabi pa ng Olympic gold medalist sa isang interview.
https://bandera.inquirer.net/295562/hidilyn-diaz-julius-naranjo-engaged-na

https://bandera.inquirer.net/289315/nasorpresa-ako-na-nagawa-ko-yun-huwag-kayong-susuko-kahit-anong-challenges-at-trial-yan
https://bandera.inquirer.net/279947/sagot-ni-derek-sa-planong-pagpapakasal-kay-ellen-makikita-nyo-na-lang-yan

Read more...