HUMINGI ng tulong ang pamilya ng beteranong aktor na si Pen Medina na nakatakdang sumalang sa isang surgery.
Sa Instagram account ng aktor ay ibinahagi ng pamilya niya ang kanilang panawagan ng tulong para sa kanilang haligi ng tahanan na kasalukuyang diagnosed ng Degenerative Disc Disease.
“To his friends, relatives, and co-workers, our dad, 71-year-old actor Pen Medina has been in the hospital for three weeks now and currently cannot sit or stand up due to Degenerative Disc Disease (DDD). He is scheduled for a major spine surgery on Tuesday, July 19,” ayon sa post.
Base rin sa post ay naubos ang mga naipon ng aktor dahil buhat nang nagsimula ang COVID-19 pandemic ay wala na itong trabaho.
“Due to the pandemic, our dad scarcely had any work, which siphoned his savings over the past two years. We are trying to help him as best as we can but it will be a long road to sufficient recovery for him.”
Nakiusap naman ang pamilya na sana ay ipagdasal si Pen at matulungan rin sila financially dahil hindi magiging madali ang tatahakin nilang daan para tuluyang gumaling ang ama.
“We humbly appeal for your charitable help and prayers as our family navigates through helping him get back on his feet — literally and figuratively.”
Makikita naman sa caption ng post ang bank details ng anak ni Pen para sa mga nais magbigay ng tulong pinansyal para sa beteranong aktor.
Maaari ring i-contact ang anak nitong si Japs Medina para sa mga nagnanais magpaabot ng tulong para sa amang maysakit.
Bago pa man ang balita ukol sa sakit ni Pen ay napanood pa ito sa teleseryeng “La Vida Lena” kung saan nakasama niya sina Erich Gonzalez, Carlo Aquino, Janice de Belen, at JC De Vera.
Related Chika:
Pen Medina binanatan matapos sabihing hindi epektib ang face mask kontra COVID-19