Rowena Guanzon rumesbak nang okrayin ni Juliana Parizcova: Kung yan ang basehan ng mukha ng pagiging maganda, mas OK na ata maging pangit

Rowena Guanzon at Juiana Parizcova Segovia

MUKHANG nakahanap ng katapat sa pakikipagbardagulan si P3PWD Partylist Rep. Rowena Guanzon sa katauhan ni Miss Q&A winner ng “It’s Showtime” na si Juliana Parizcova Segovia.

Diretsahan kasi niya itong sinabihan ng, “Alam mo kung bakit ZEROWENA ka?… kasi PANGIT KA,” sa kanyang Facebook post.

Siyempre hindi nagpatalo si Rep. Guanzon na kilalang palaban din at sinagot niya ang komedyana by posting her picture at ang caption ay, “Kung yan ang basehan ng mukha ng pagiging maganda, mas ok na ata maging pangit.”

E, parang mas sanay sa ganitong labanan si Juliana kaya hirit ulit niya, “Wala naman akong sinabing MAGANDA ako, sinabi ko lang PANGIT ka. Kilala ng Pangit ang Pangit, Kaya maniwala ka!”

Nakakaloka! As of this writing ay umabot na sa 50 shares, 3,000 likes at 523 comments ang post na ito ni Juliana at karamihan sa nagkomento ay nagsabing patas lang daw ang labanan.

Ang kaso na-report ang FB account ng komedyana dahil pinagbawalan siyang mag-post sa loob ng pitong araw dahil sa “pambu-bully” at “harassment” na ipinagbabawal sa community standard.


Kaya ang tanging nasabi ni Juliana, “Akala ko ba BARDAGULAN? Bakit may pa-report? Ano? Gurang na, pangit na, PIKON PA? Pakyawan?”

“Hinihintay pa namin ang magiging sagot ng kongresista sa mga naging pasaring ni Juliana Parizcova Segovia. Narito naman ang ilang komento ng netizens.”

“Wala na ata pumapansin kay beki Juliana kung anu2 nlng gngwa sa buhay nya para kumita.”

“Kahit maging Pro BBM siguro ako maiirita ako sa kasinungalingan ni Parizcova. Nakalatag na ang truth.”

“Parelevant si irrelevant na vatla, cong paki uga mo nga isang ngipin nyan tingnan q lang kung guguho ba ung buong bungo.”

“Hahahahahaha mayroon maganda pero pangit ugali, pangit pero mabait, pero siya wow pangit inside out! #perfectcombination.”

“Naka relate ako sa post nato pero, di parin ako nakaka move-on sa pangako ni Allan Peter Cayetano ng sampong libo bawat pamilya.”


https://bandera.inquirer.net/318366/annabelle-rama-sa-kaaway-ni-ruffa-kung-magkuwento-ka-akala-mo-cctv-ka-pwede-ba-huwag-ka-maging-chismosang-marites

https://bandera.inquirer.net/318455/bardagulan-hirit-ni-rowena-guanzon-pinapasuweldo-ko-nang-maayos-ang-mga-kasambahay-namin

https://bandera.inquirer.net/309678/pokwang-sa-mga-nagsasabing-pangit-sila-ni-melai-cantiveros-kailan-namin-sinabing-maganda-kami

Read more...