Rabiya iwas muna sa lalaki, hindi dinadala sa trabaho ang problema: Walang buhay na perpekto, pero..

Pokwang, Kim Atienza at Rabiya Mateo

DEDMA muna ngayon sa mga lalaki si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo matapos “malasin” ang relasyon nila ng Kapuso hunk na si Jeric Gonzales.

Magpo-focus daw muna ang Kapuso actress sa kanyang career lalo pa’t may bago nga siyang show sa GMA 7, ang “TiktoClock” kung saan makakasama niya sina Kim Atienza at Pokwang bilang mga host.

Ayon kay Rabiya, gusto raw niyang magpakadalubhasa pagdating sa pagho-host kaya talagang bawat episode na tine-tape nila para sa pinakabagong Kapuso game show ay super ginagalingan niya.

In fairness, kahit na may pinagdaraanan ang dalaga sa kanyang personal na buhay noong magsimula siyang mag-taping para sa “TiktoClock”.

Ito yung kasagsagan ng breakup nila ni Jeric pero sabi nga ni Rabiya kahit na may mabigat siyang dinadalang bagahe sa buhay, never niya itong dinala sa trabaho.


At sa bawat work na ginagawa niya ay talagang effort kung effort ang drama niya para patunayan sa mga bossing nila sa GMA na karapat-dapat siya sa ipinagkatiwalang show sa kanya.

“I need to remind myself that this is a very competitive industry. Hindi ko puwedeng dala-dala kung ano man ‘yung bigat na meron ako sa trabaho.

“Kasi, ‘yung goal po namin is magpasaya. Eh, ganu’n lang naman din po e. Walang buhay po na perpekto. Lahat po tayo may problema.

“However, hindi dahil sa may problema tayo, isa o dalawa, ganun na lang talaga. Doon na lang natin titingnan.

“So dito po, masaya lang kami kasi on and off cam, nagpu-focus na lang po kami sa lahat ng positive na nangyayari sa buhay namin. Kagaya po ng trabahong ito,” tuluy-tuloy na sey ng beauty queen.

At sa tanong kung ready na siyang ma-in love at magkadyowa uli, “Hindi po muna. Focus po muna sa career. ‘Yun din po ang ina-advise sa akin ni Mama Pokwang at Kuya Kim.

“Palagi niyang sinasabi sa akin na ano mang mangyari sa iyo ngayon, sobrang blessed ka na at your age, nandito ka sa spot na ‘to. And du’n po muna mag-focus. Gusto ko po talagang maging magaling sa TiktoClock,” lahad pa ni Rabiya.

Magsisimula na sa July 25 ang “TiktoClock”, 11:15 a.m., mula Lunes hanggang Biyernes.

https://bandera.inquirer.net/315887/kissing-photo-ni-jeric-sa-kapwa-lalaki-nilagyan-ng-malisya-rabiya-naglabas-ng-ebidensya-para-patunayang-walang-hiwalayan

https://bandera.inquirer.net/308511/jeric-nag-propose-muna-kay-rabiya-bago-nanligaw-love-story-nagsimula-sa-wish-ko-lang

https://bandera.inquirer.net/286205/kilalang-aktor-magaling-umarte-pero-pasaway-sa-taping-problema-ng-production

Read more...