THE show must go on pa rin para sa Kapuso comedienne-TV host na si Pokwang na kahit may matinding pinagdaraanan sa personal na buhay ay tuloy pa rin ang pagtatrabaho.
Ayaw na ayaw ni Pokey na mabibitin, mapapa-pack up o madi-delay ang isang proyekto nang dahil sa kanya kaya kahit na merong problema, hindi niya iniiwan ang mga natanguang trabaho.
Sa kabila ng pinagdaraanan ngayon ni Pokwang matapos silang maghiwalay ng kanyang longtime partner na si Lee O’Brian, um-attend pa rin siya nitong Martes, July 12, sa virtual mediacon ng bagong game show ng GMA 7, ang “TiktoClock”.
In fairness, game na game naman niyang sinagot ang mga tanong ng entertainment media tungkol sa “TiktoClock” kung saan makakasama rin niya sina Kim Atienza at Rabiya Mateo.
“Ang aming (celebrities) ay happy time na, ‘di ba? So, kailangan maipakita namin especially ‘yung sa mga nasa bahay nating mga viewers na ‘yun naman talaga ‘yung hangarin ng show na ito, ang magbigay kami ng saya,” ani Pokwang.
Kapag daw trabaho ang pinag-uusapan, tina-try niyang huwag haluan ng personal na isyu, “Kung anuman ‘yung mga meron tayo na sarili nating kalungkutan iwanan natin ‘yan.
“Wala silang kasalanan. Gusto lang nila tumawa. Kung ano ‘yung ine-expect nila ‘yun ang ibibigay namin,” aniya pa.
Inamin din ni Pokey na pitong buwan na silang hiwalay ni Lee, “In fact, seven months ago pa akong ano, e…okay na ako. Pitong buwan ago pa ‘yang nangyari sa akin na ‘yan.”
Ipinagdiinan din ng komedyan na hindi ibang tao ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Lee at lalong walang kinalaman sa pera ang desisyon nilang magkanya-kanya na ng landas.
“Una sa lahat walang third party, wala in all fairness kay Papang. Hindi rin pera, kagaya ng mga lumalabas na pera. Hindi ganoon, walang ganoon. Siguro napagod lang kami,” aniya pa.
Samantala, hindi man nauwi sa “forever” ang love story nila ni Lee, binigyan naman siya ng bagong blessing, ito ngang latest project na ipinagkatiwala sa kanya ng GMA.
“Ito, we’re very blessed. Hindi lahat ng mga artista ngayon ay nabibigyan ng ganitong pagkakataon. We’re very, very super super blessed kami.
“All we have to do is be thankful and be grateful at ipakita ‘yun sa mga taong manonood,” pahayag pa ni Pokey.
https://bandera.inquirer.net/310339/pokwang-nawindang-sa-mga-madaling-makalimot-bilib-sa-mga-taong-pinapahalagahan-ang-boto
https://bandera.inquirer.net/291472/pokwang-tinulungan-ni-kris-noong-mawalan-ng-trabaho-sa-abs-cbn
https://bandera.inquirer.net/302226/pelikula-ni-kilalang-aktor-na-delay-ang-pagpapalabas-wasak-daw-ang-puso-dahil-sa-babae