Matapos na makilala bilang parte ng Team Sarah sa The Voice Teens noong 2020, ready to take off na ang solo career ni Jay Garche ngayong 2022.
Siya lang naman ang freshest at most promising solo acts ng Universal Records ngayong taon. At kamakailan ay naglabas na siya ng kanyang debut original single na pinamagatang “Hayaan Lang.”
Ang tubong Bacolod na si Jay, ‘di pa rin daw makapaniwala na mayroon na siyang home record label. “Sobrang overwhelming ng lahat ng nangyari kasi parang ang bilis lang. Parang kahapon lang ako nag-audition, ngayon andito na ako,” sabi n’ya.
Ang dagdag pa niya, sobrang naenjoy niya ang recording ng kanyang debut single at para sa kanya, very meaningful talaga ito. Para kay Jay, itong kanta na ito ay tila isang kaibigan na andyan at nagpapaalala sa’yo na “keep going because bad days don’t last forever.”
“Yung ‘Hayaan Lang’ po is mostly about parang perspective ng friend na nagbibigay po ng message na kahit may pinagdadaanan ka, hayaan mo lang ‘yung mga nangyayari kasi lilipas din ‘yun,”giit pa niya.
Napaka optimistic nga naman kasi ng meaning ng “Hayaan Lang” at napakaganda rin ng pagkakanta ni Jay rito.
“Noong nirecord po naming ‘yung, medyo timing din po talaga dahil marami akong pinagdadaanan noong time na ‘yon. Kaya sobrang na-touch po ako tsaka na relieve habang kinakanta ko po ‘yung song kasi napakaganda po ng message at napaka meaningful”
Bago siya naglabas ng debut single, si Jay ay nagpa Rhinoplasty rin earlier this year. Kanyang idinitalye ang buong istorya nito sa kanyang vlog series sa kanyang YouTube channel na may mahigit 130,000 subscribers na sa ngayon. Kanya ring nilinaw na hindi nakaapekto sa kanyang singing voice ang nasabing operasyon.
“‘Yung after Rhinoplasty, ‘yung feeling ko po dati ganun pa rin po ngayon. Exactly the same. Ang sabi po ng doctor, ‘yung function po ng nose ‘di naman po magbabago. Yung appearance lang po.”
Umaasa rin si Jay na gumanda ang kanyang music career sa tulong ng Universal Records. Para sa kanya, sobrang swerte niya raw na magkaroon ng recording contract sa naturang label.
Ang sabi niya, “Sobrang alaga po ako ng UR kaya sobrang happy po ako and feel ko ang fortunate ko talaga. Parang ang swerte ko na napunta ako sa UR kasi ‘di ko maimagine ‘yung self ko na mapunta sa iba. And sobrang comfortable ako around sa mga tao rito. Yun naman po talaga ‘yung nagmamatter sa akin.”
Maaari niyo nang mapakinggan ang “Hayaan Lang” ni Jay Garche sa inyong mga paboritong digital streaming platforms. Matutunghayan naman ang official lyric video nito sa official YouTube channel ng Universal Records Philippines.