Kilalang aktres pinagtitripan lang ng kontrobersyal na personalidad: ‘Gusto lang mag-ingay at magka-issue’

Mahulaan n’yo kaya kung sinu-sino sila? Guess, guess who na!

NATATAWANG-NAIILING ang kausap naming celebrity tungkol sa kontrobersyal at kilalang personalidad na tila pinagtitripan ang isang aktres na super busy ngayon sa shooting ng pelikulang pinag-uusapan ngayon.

Ayon sa aming kausap, “Alam mo naghahanap na lang ng atensyon lola mo, eh. Feeling namin pinagtitripan na lang niya si _____ (aktres) para lang mapansin din siya.

“Kaya nga sinabihan na si _____  (aktres) na dedmahin na lang kasi wala naman siyang mapapala o magi-gain sa issue. Hindi naman siya kikita ro’n, mas nakikinabang nga sa kanya, eh,” sabi sa amin.

Halatang gusto lang daw mangulit at mang-asar ng personalidad dahil baseless na ‘yung mga huling tanong at sagot na wala ng kinalaman sa unang pinag-usapan at parang feeling din ng aming kausap ay may ibang gumagawa na.

“Hindi kaya na-hack ang account?  Kasi parang hindi naman na gagawin ‘yun ng busy na tao o baka hindi talaga siya busy?

“Pero di ba, isipin mo, ikaw na nasa katinuan kung anu-ano ang sasabihin mo kay ____ (aktres)?  Parang wala namang sense. Baka gustong magkaroon ng cameo role du’n sa movie ni ____ (aktres). Ha-hahaha!” sabi pa ng kausap namin.

Dagdag pa niya, “Baka kasi gustong gayahin ‘yung dating kilalang personalidad din na naging maingay ang pangalan dahil sa mga nakakabaliw din niyang tanong sa panel?

“Pati nga anak nina ______ (senador at aktres) tinanong kung ano ang ipinaglalaban? Pero may sense naman lahat at kaya nabigyan ng posisyon ngayon,” sabi pa ng aming source.

Baka nga na-hack ang account ng kontrobersyal na personalidad kaya kung anik-anik na lang ang pinagsasabi tungkol sa aktres.

https://bandera.inquirer.net/301677/sikat-na-celebrity-may-hugot-sa-kilalang-aktor-ang-hilig-niyang-mamikon-tapos-siya-pikon

https://bandera.inquirer.net/301727/kilalang-celebrity-nanganganib-na-malugi-ang-negosyo-major-stockholder-umatras-na

https://bandera.inquirer.net/302171/tv-executive-hinding-hindi-na-kukuha-ng-mga-artistang-alaga-ng-kilalang-talent-manager

Read more...