PBA player Paul Desiderio inakusahan ng physical, emotional abuse ni ex-UAAP courtside reporter Agatha Uvero

Paul Desiderio at Agatha Uvero

INAKUSAHAN ng physical at emotional abuse ni Agatha Uvero, dating University Athletic Association of the Philippines (UAAP)  courtside reporter, ang dati niyang partner na si PBA player Paul Desiderio.

Ngayong araw, July 13, sunud-sunod ang pagpo-post ni Agatha sa Twitter tungkol sa umano’y pinaggagawa ng cager sa kanya noong magkarelasyon pa sila.

“Strangulation, biting, punching, throwing, and kicking” ang ilan sa mga akusasyon ng model kay Paul. Bukod dito, inabuso rin daw siya nito noong ipinagbubuntis niya ang kanilang anak.

“I really didn’t wanna do this but the threats have been difficult and I owe this to myself and to women out there.

“I’ve talked to Paul so many times but he kept telling me to do it, and said that if his career goes down, it’s my fault. I’m done with your gaslighting, Paul,” unang tweet ni Agatha.


Pagpapatuloy pa niya, “I really hate airing dirty laundry on social media, but I also don’t have it in me anymore to keep quiet just because I know that so many people empower this person, and enable him to be the abuser he is.

“As a go-getter, a woman with a strong personality, I couldn’t admit to myself that I had a lapse of judgment in this man who I defended to many people who told me to avoid.

“I’m swallowing my pride for my own safety and for my own accountability to not cover up for someone just because of love or fear,” mariing pahayag pa ng dating courtside reporter.

Nabanggit din ni Agatha na nagkaroon din siya ng post-traumatic stress syndrome dahil sa mga nangyari at nagsasalita siya ngayon hindi lamang para sa kanyang sarili kundi pati na rin sa iba pang biktima ng pang-aabuso.

“We won’t let them be the victors while we hide as silent victims. Please ladies, we can’t allow this to keep happening. Men should be accountable for their actions,” diin ni Agatha.

Matatandaang in-announce ng dating magkarelasyon noong June  na hiwalay na sila, isang buwan matapos isilang ni Agatha ang anak. Ibinalita naman nila sa publiko noong November, 2019 ang kanilang engagement.

Sa ngayon, hindi pa rin naglalaro sa PBA si Paul para sa team Blackwater matapos magkaroon ng ACL injury last May 31, ilang araw bago sila maghiwalay ni Agatha.

Wala pang inilalabas na official statement si Paul hinggil sa mga akusasyon ng dating karelasyon. Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag ng cager tungkol dito. Ngunit sa isang ulat, balitang dinenay lahat ng PBA player ang akusasyon sa kanya.

(If you or someone you know is a victim of domestic violence, you can call the 911 National Emergency Hotline, as well as the Aleng Pulis hotline number 09197777377. The Inter-Agency Council on Violence Against Women and their Children can also be reached through the mobile numbers 09178671907 or 09454558121)

https://bandera.inquirer.net/308729/kit-thompson-nakalabas-na-ng-kulungan-matapos-magpiyansa-ana-jalandoni-hindi-iuurong-ang-kaso

https://bandera.inquirer.net/281832/bea-ibinunyag-na-biktima-siya-ng-emotional-abuse-pero-mahal-pa-rin-nga-ba-si-gerald

https://bandera.inquirer.net/281344/covid-hugot-ni-angelica-nakakaiyak-ito-ang-emotional-freemasstesting

Read more...