Vicki Belo nabudol sa biniling Chanel bag na nagkakahalaga ng halos P1-M; na-shock nang i-deliver na sa bahay

Vicki Belo

SHOOKT ang celebrity beauty doctor na si Vicki Belo nang dumating ang in-order niyang  designer bag sa isang online store.

Sa bago niyang vlog sa YouTube, nagkuwento ang asawa ni Hayden Kho tungkol sa mga latest purchase niya nitong mga nakaraang buwan sa pamamagitan ng online shopping.

Dito, sinabi ni Vicki na mas gusto pa rin talaga niya ang bumili ng mga  designer items sa physical store dahil nabubusisi niya nang bonggang-bongga ang mga products.

May mga nabibili naman daw siya sa online stores na magaganda talaga at nami-meet ang kanyang expectations pero meron ding pagkakataon na feeling niya ay nabudol siya.

Sa napanood naming video, inisa-isa ni Vicki ang mga luxury favorites niya for the month of May kabilang na rito ang kanyang Fendi and Versace’s limited-edition collaboration, ang Fendace, Dolce & Gabbana, at ang mga bago niyang Hermès.

Pero ang pinaka-memorable raw sa mga latest na nabili niya ay ang Chanel silver-tone hammered metal at silver metal evening clutch mula sa French luxury fashion house na Cruise 2021/22 collection. Ang price tag lang naman nito ay 16,000 US dollars o mahigit P900,000.


Chika ni Vicki, ang sabi raw ng kausap niyang sales representative ay dalawa na lang ang natitirang ganoon ang style sa France.

“I saw this bag, I saw it on Vogue, I think, Elle, or Bazaar. I’m not sure but I tore the page out, as usual. Luma pa ako.

“But I took a picture of the page, I sent to my sales associate at Chanel in Paris, ‘Can you find it for me?’

“So the problem with buying online and the reason I don’t like to do it is kasi I can’t tell the size. It doesn’t naman say.

“So in my head, I needed an evening bag. Akala ko naman it was a bit bigger. But when it arrived, it’s very small.

“But according to her (sales associate), it was hard to find ’cause there’s only two in France. Of course, nabudol na naman ako kasi limited edition,” pahayag ng cosmetic doctor.

Cute naman daw ang bag pero masyado pala itong maliit at feeling niya isang lipstick lang daw ang mailalagay niya rito.

“Nu’ng nakita ko, sabi ko, ‘A, anong gagawin ko dito?'” sey ni Vicki. Pero binili pa rin daw niya ito dahil super effort nga ang sales representative sa pagkuha sa nasabing item.

“I don’t know whether to be happy or sad because I thought it was gonna be an evening bag na medyo clutch-y na malaki.

“And then, it arrived like this. Since my S.A. had a hard time finding this, nahiya na akong huwag nang bilhin.”

“Sabi ko, ‘What will I put inside?’ You know what she said to be? ‘Nothing, lipstick! It’s a statement piece!'” natatawang sabi pa ni Vicki.

Nagbigay naman siya ng payo sa lahat ng mga mahilig bumili ng branded at signature items na aniya’y isa ring good investment dahil tumataas din ang value nito habang tumatagal.

“When you buy something [from Chanel], buy it now ’cause they raised prices five times last year, by 20 percent each time! Grabe, five times!” sabi pa ni Vicki.

https://bandera.inquirer.net/299461/vicki-belo-hiningi-si-scarlet-kay-hayden-can-you-give-me-a-belo-baby

https://bandera.inquirer.net/306562/heart-evangelista-game-na-nag-shopping-sa-sari-sari-store
https://bandera.inquirer.net/284317/bakit-hindi-mahilig-magregalo-si-xian-ng-mamahaling-bag-kay-kim

Read more...