Asawa ni JC Santos walang reklamo sa pakikipag-love scene niya sa pelikula: I think hindi naman siya nao-offend

Shyleena Herrera at JC Santos

MAS naging challenging para kay JC Santos na makatrabaho ang baguhang sexy star na si Cloe Barreto sa pelikulang “Tahan” ng Vivamax.

Marami nang naging leading lady si JC sa pelikula at telebisyon kabilang na sina Bela Padilla, Yassi Pressman, Janine Gutierrez at Ryza Cenon at ito nga ang unang pagkakataon na makatrabaho niya si Cloe.

Excited na ang aktor sa bago niyang project sa Viva Films na isang suspense-drama, “The challenge for me here is how to support Cloe kasi mahirap yung role niya as Elise.

“Binabasa ko pa lang yung script, sabi ko, ang hirap ng role niya as a girl na ibinubugaw ng sarili niyang ina, si Nora, as played by Jaclyn Jose, who turns out to be a psycho-killer,” kuwento ni JC sa nakaraang virtual mediacon ng “Tahan.”

“Gusto ko talaga to help her and I have to figure out how to do it. Paano ko ba magagawang mas ma-highlight yung character niya specially in the dramatic scenes.

“With the support of Direk Bobby Bonifacio and Ms. Jaclyn (Jose), I think we were able to help naman Cloe para maitawid niya nang maayos ang napakahirap niyang role,” pahayag pa ni JC.

Ibang-iba raw ang “Tahan” sa mga nagawa niyang romantic drama, “Yes, kasi this more of a genre film na thriller. I play Cloe’s high school sweetheart, si Marcus. Matagal kaming hindi nagkita and when we see each other again, I didn’t want to lose her again.


“Ang hindi ko alam, isa na pala siyang high class prostitute. But na-renew yung romance between us. Problema lang yung mother niyang pinapatay pala ang mga lalaking nauugnay sa kanya. I would try to save her from her mom na ayaw siyang pakawalan,” aniya pa.

Tungkol naman sa mga love scenes nila ni Cloe sa movie, alam naman daw ng asawa niyang si Shyleena Herrera ang mga ginawa niyang intimate scenes.

“Yes, okay lang for my wife to watch this film. I think hindi naman siya mao-offend kahit may sexy scenes ako. She knows I’m an actor and confident akong ok lang sa kanya yun,” sabi ni JC.

Puring-puri naman ng aktor si Cloe bilang aktres habang feeling blessed naman siya na nakatrabaho si Jaclyn.

“Cloe shows a lot of promise as an actress. Given the right projects, mas mahahasa pa siya. About Ms. Jaclyn, one thing I love about her is she is very consistent.

“Lahat ng trabaho niya, wala kang itatapon. She really works hard on the set and it’s so nice to watch her so disciplined to make a scene work. Yun ang gusto kong ma-achieve for myself, yung consistency niya. She’s such an inspiration,” sabi ni JC.

Sa panayam namin kay JC sa mediacon ng Beautederm kung saan ipinakilala siyang latest brand ambassador ng kumpanya ni Rei Anicoche-Tan, walang issue sa kanyang asawang si Shyleena Herrera ang paggawa ng love scenes sa pelikula.

Nagpapasalamat nga raw siya kay misis dahil suportado nito ang lahat ng kanyang ginagawa.

https://bandera.inquirer.net/310100/cloe-barreto-mapapalaban-ng-aktingan-kina-jaclyn-jose-at-jc-santos

https://bandera.inquirer.net/305974/jc-santos-enjoy-na-enjoy-ang-pagiging-tatay-nakikita-mo-yung-nagiging-personality-niya

https://bandera.inquirer.net/318384/jaclyn-jose-umamin-karamihan-sa-mga-baguhang-nakakatrabaho-ko-natatakot-sa-akin-sabi-ko-hindi-ko-sila-sisindakin

Read more...