Catriona Gray, Nicole Cordoves balik-rampa bilang mga host ng Bb. Pilipinas 2022 finals night

Nicole Cordoves at Catriona Gray

MULING napili sina Miss Universe 2018 Catriona Gray at Binibining Pilipinas Grand International 2016 Nicole Cordoves bilang host ng Binibining Pilipinas 2022 grand coronation night sa ikalawang pagkakataon.

Mismong si Catriona ang nag-announce nito sa kanyang Instagram account kahapon kalakip ang ilan niyang litrato.

“So excited to be back at @bbpilipinasofficial as your host along with my sister @binibiningnicolecordoves,” ang caption ng girlfriend ni Sam Milby sa kanyang IG post.


Last year, unang sumabak sina Catriona at Nicole bilang host ng nasabing national pageant. Yun ang kauna-unahang pagkakataon na parehong babae ang host ng Binibining Pilipinas grand coronation night.

Kamakailan lamang, inihayag ng pageant organizers na magaganap ang finals night sa July 31 sa Araneta Coliseum.

Forty candidates ang maglalaban-laban sa rampahan para sa ilang  titulo at korona na siyang hahalili sa trono nina Hannah Arnold na lalaban sa Miss International, Cindy Obenita na siyang magiging bet ng Pilinas sa Miss Intercontinental pageant at Maureen Montagne para naman sa Miss Globe.

Nandiyan din ang iba pang reigning queens na sina Binibinihg Pilipinas Grand International Samantha Panlilio at second runner-up Meiji Cruz.

https://bandera.inquirer.net/285832/catriona-gray-nicole-cordoves-gagawa-ng-history-sa-bb-pilipinas-2021

https://bandera.inquirer.net/311634/herlene-budol-kering-keri-ang-hipon-walk-at-tempura-walk-para-sa-binibining-pilipinas-2022
https://bandera.inquirer.net/312209/catriona-gray-may-special-participation-sa-miss-universe-ph-2022-coronation-night

Read more...