MUKHANG may bagong patutsada na naman ang aktres na si Ruffa Gutierrez na kasalukuyang trending sa social media.
Marami tuloy sa madlang pipol ang curious kung sino nga ba ang kanyang pinatutungkulan sa bagong tweet nito ngayong araw, July 12.
“Woke up today realizing that not all students who went to elite universities have manners,” saad ni Ruffa.
Dagdag pa nito, “May pinag aralan nga, asal kanto naman. Gosh.”
Umani rin ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens ang naturang tweet ni Ruffa.
“Mas nakakahiya ung may pinag-aralan, may access sa education pero enabler ng mga sinungaling at magnanakaw. Pera pera nalang,” saad ng isang netizen.
Comment pa ng isa, “Tingin ko mas ok yung asal kanto kesa yung may pinag-aralan ka na nga pero tanga-tangahan school of acting naman… char.”
Sa ngayon ay kontrobersyal ang actress-beauty queen matapos siyang madawit sa isyu ukol sa pagpapalayas ng dalawang kasambahay nang hindi pa ibinibigay ang sahod.
Nagsimula ito nang i-call out siya ng dating Comelec commissioner at P3PWD Rep. Rowena Guanzon sa Twitter para linawin kung totoo nga ba ang nauna niyang tweet patungkol sa dalawang kasambahay.
Nilinaw naman ni Ruffa na walang katotohanan na nagpalayas siya ng kasambahay dahil kusa at ginusto raw ng dalawa ang umalis.
“No it’s not true. There was a situation at home while I was shooting on the set of “Maid In Malacañang”, so my staff had to call security to make sure my children were safe,” pagbabahagi ni Ruffa.
“Nang-aaway po sila sa ibang mga kasamahan sa bahay ng wala po ako. They were demanding to leave the house, which I said they were able to do AFTER I returned home from work, so I could talk to them before they leave,” dagdag pa niya.
Pero sa kabila nito ay tila hindi pa rin tapos si Atty. Guanzon at muli na namang binanatan ang aktres.
Hindi naman napigilan ng ina ni Ruffa na si Annabelle Rama na magsalita upang ipagtanggol ang anak laban sa mga bumabatikos rito.
“Hoy Day!! Pwede ba HUWAG ka maging chismosang marites?? Kung mag kwento ka akala mo CCTV ka ni Ruffa!!,” saad ni Annabelle.
“Mind your own business!! Ayusin mo Nalang kaso mo. Baka gusto mong mapasali sa MAID IN MALACAÑANG kaya ka nagpapapansin??” dagdag pa nito.
Related Chika:
Rowena Guanzon kay Ruffa Gutierrez: Where is your compassion?
Ruffa Gutierrez sumagot sa paratang ni Rowena Guanzon: I did not fire anyone
Rowena Guanzon: That Ruffa Gutierrez must learn to say ‘Congresswoman’