Andrea Brillantes na-diagnose ng Congenital Anosmia: Wala akong pang-amoy kaya pwede akong ututan sa mukha

Andrea Brillantes

KAKOKA itong si Andrea Brillantes!  May kapansanan pala siya.

Sa kanyang interview with Karen Davila sa  YouTube channel nito, inamin ni Andrea na na-diagnose siya with Congenital Anosmia.

Ano ang Congenital Anosmia? Ito ay ang kawalan niya ng kakayahan na umamoy. In short, wala siyang pang-amoy.

“Wala po akong pang-amoy at all.  Wala po talaga, as in pwede po akong ututan sa mukha. Kasi inututan akoi ni daddy dati.

“Silang lahat, hinintay nila ang reaction ko. Doon ko na-realize, hala, may mali ba sa akin?” say ni Andrea.


“Ang ate ko, maraming pabango, mahilig sa pabango. Spray, spray lang ako diyan tapos umiinit lang ‘yung leeg ko sa kaka-spray ko. Wala akong naaamoy.

“Ang meron lang ako sensation, kapag ‘yung rubbing alcohol ‘yung parang lalamig. ‘Yun lang, ‘yung mga cooling-cooling pero amoy po, wala talaga,” dagdag pa ng dalaga.

“Kulang pa rin po ako ng five senses ko as in kulang pa rin tsaka hindi ko pa rin na-experience ‘yung world kung paano niyo siya na-experience.

“Mahilig po ako sa pabango actually, yung ate ko, yung jowa ko, sila ‘yung pinapaamoy ko, ‘ano’ng amoy neto explain mo,’” say ng dalaga.

“Pero ‘yung sense of taste mo kumpleto?” tanong ni Karen kay Andrea.

“Sa akin po kumpleto naman pero hindi ko po masasabi kasi ipinanganak akong ganito so hindi ko mako-compare kung anong natitikman ninyo sa natitikman ko.

“So hindi ko alam if kulang yung saakin. Pero sabi nila ate kulang kaya daw ako mahilig sa mga sobrang maasim, maalat, sweet… Pinaka mahirap po is panis na pagkain kasi hindi ko alam,” say ni Andrea.

* * *

Wagi ang mga manonood sa sorpresang kolaborasyon para sa back-to-back at mas pinalawak na pagpapalabas ng mga programang Lunch Out Loud at It’s Showtime sa A2Z, Kapamilya Channel, at TV5 simula Sabado (July 16).

Imagine, dating magkatapat sa oras na mga programa, ngayon back-to-back na! Strategic ang ginawa ng ABS-CBN, Zoe Broadcasting Network, Brightlight Productions, at TV5 para sa dobleng kasiyahan ng Pinoy viewers simula 11 am para sa LOL at 12:45 p.m. naman para sa “It’s Showtime.”

Sey nga ng isang netizen, “Maganda at masayang pagsasanib pwersa yan.”

Sabi naman ng isa, “Nagtutulungan at nagkakaisa laban sa iisang hangarin yan ang tunay na PILIPINO.”

Siyempre, excited din ang mga host ng dalawang programa sa balitang ito dahil sa pagkakataong maghatid ng aliw sa mas marami pang manonood.

Sabi nga ni “It’s Showtime” host Anne Curtis, “I’m very happy that we are able to reach even more Kapamilyas and Kapatid!”

Sa announcement na ginawa sa “It’s Showtime” noong Lunes (July 11), hinikayat ni Anne ang mga manonood na abangan ang “mas pangmalawakang good vibes and unli fun, ibig sabihin mas pangmalakasang happiness para sa madlang pipol!”

Masayang sinabi naman ni Tyang Amy Perez, “For sure, yung mga kapatid natin sa Visayas, Mindanao, at lalung-lalo na yung mga nasa Luzon, inaabangan talaga tayong lahat. Excited na silang mapanood ang It’s Showtime.”

‘Di nga patitinag sina Vice Ganda, Kim Chiu, Vhong Navarro, Ogie Alcasid, at iba pang hosts ng show sa pagpapatuloy ng ligaya sa pananghalian at matutunghayan pa ng todo ang kwelang samahan nila lalo pa’t nagbalik na nga sina Anne.

https://bandera.inquirer.net/289906/andrea-ilang-beses-nang-nagbalak-mag-quit-sa-showbiz-ang-hirap-hirap-lalo-na-kung-breadwinner-ka

https://bandera.inquirer.net/315200/maraming-tao-na-hindi-ka-maiintindihan-kahit-good-intentions-yan-puwede-pa-rin-nilang-maliin
https://bandera.inquirer.net/318327/andrea-brillantes-tumira-noon-sa-squatters-area-bata-pa-lang-naranasan-ko-na-lahat-ang-hirap-kumita-ng-pera

Read more...