Pokwang umaming 7 buwan nang hiwalay sa dyowang Amerikano: Hindi karma ang natapos na pagmamahalan

Lee O’Brien at Pokwang

KINUMPIRMA na ng Kapuso comedienne na si Pokwang na totoong hiwalay na sila ng kanyang long-time partner na si Lee O’Brian.

Pitong buwan na raw silang hiwalay ng American actor pero maayos naman daw ang co-parenting status nila para sa anak nilang si Malia na four years old na ngayon.

Sa pamamagitan ng Instagram, inamin nga ng komedyana na naging maayos ang paghihiwalay nila ni Lee at nagkausap na rin sila kung paano ang magiging set-up sa pagpapalaki at pag-aalaga sa kanilang nag-iisang anak.


Narito ang opisyal na pahayag ni Pokey sa pagtatapos ng relasyon nila ni Lee, kalakip ang mga litrato niya kasama si Malia, ang panganay na anak na si Mae, at ang nanay niyang si Gloria.

“Yes its been seven months since tapusin namin ni papang ang lahat, pero maayos at mapayapa, at bilang magkaibigan na lamang mas nagagampanan namin ang mga tungkulin bilang magulang ni Malia.

“Natapos man ito sa di inaasahang panahon hindi dito hihinto ang pagiging nanay ko sa mga anak ko. at mas lalo kong minahal ang mga biyayang sakin ay binigay ng panginoon,” aniya pa.

Kasunod nito, nagpasalamat din siya sa yumaong inang si Gloria dahil ito ang nagsilbing gabay at inspirasyon niya para maka-recover mula sa mga pinagdaraanang pagsubok.

“Ikaw aking nanay Gloria ang aking inspirasyon sa pagiging matatag at matibay na nanay. salamat sa iyo at alam kong lagi kang nakagabay sa amin ng mga apo mo kaya ni minsan at kailan man di ka mawawaglit saking mga dasal,” lahad ng komedyana.

Nagbigay din siya ng mensahe para sa lahat ng single parents na katulad niya, “Sa mga single parent na kagaya ko hindi karma ang natapos na pagmamahalan kundi mas pinapatatag ka at pinaghahanda ka sa mas magaganda at mas maraming biyaya.

“Hindi karma ang mabiyayaan ka ng mga anak na nagpapasaya at nagpapangiti sayo araw araw at dahilan ng pagsisikap mo sa buhay #Wagmapagodparasamgaanak,” pahayag pa ni Pokwang.

Wala namang nabanggit si Pokwang kung ano ang tunay na dahilan ng hiwalayan nila ni Lee. Ngunit sa vlog ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz, “Sa totoo lang masalimuot, pero ang sinabi lang ni Pokwang, ‘Ang importante ay hindi kami magkagalit nung maghiwalay kami ni Papang.’”

Nagsimula ang love story nina Pokwang at Lee nang magkakilala at magkasama sa pelikulang “Edsa Woolworth” na kinunan sa Amerika noong 2015.
https://bandera.inquirer.net/318271/pokwang-nanggigil-sa-basher-na-nagsabing-karma-ang-paghihiwalay-nila-ng-dyowa-bakit-may-pinatay-ba-ako-gga-ka

https://bandera.inquirer.net/289809/pokwang-hinabol-ng-samurai-ang-asawa-dahil-sa-selos-iyak-siya-nang-iyak
https://bandera.inquirer.net/305051/carla-wala-nang-suot-na-wedding-ring-sa-bagong-vlog-ibinandera-ang-heart-tattoo

Read more...