Estudyanteng nagtapos sa junior high sinabitan ng medal ang amang construction worker: Simpleng gesture ko lang po iyon

NAGPASABOG na naman ng good vibes sa social media ang isang ordinaryong netizen na may extraordinary story na magsisilbing inspirasyon para sa lahat ng kabataan.

Pinusuan at ni-like nang bonggang-bongga ng mga Facebook users ang inspiring na kuwento ng mag-amang Leonardo at Sheila Rebayla mula sa Naawan, Misamis Oriental.

Sa kanyang FB post, ibinahagi ni Sheila last July 1 kung paano niya sinorpresa ang ama sa achievement na natanggap sa pagtatapos ng Junior High sa Naawan National High School sa Misamis Oriental.

Ang caption ni Sheila sa kanyang post, “Although I am aware that I still have a long way to go, I want to thank you for always being our pillar of strength, cheerleader, and staunchest ally.”

Shookt si Ginoong Leonardo nang bigla siyang sabitan ng medalya ng kanyang anak habang nasa trabaho.

Mapapanood sa video na nagwawalis si Mang Leonardo sa tapat ng construction site nang biglang dumating ni Sheila at isabit sa kanya ang nakuhang medalya.

Kitang-kita ang pagkabigla ni Tatay Leonardo nang yakapin pa siya ni Sheila pagkatapos isabit ang medalya sa kanya.


Hindi man nakapagsalita ang si Leonardo, halata naman sa reaksyon nito ang sobrang kaligayahan sa pa-surprise ng anak. Napasayaw at napatalon pa nga siya habang hawak ang medalya ng anak.

Ilan sa mga natanggap na parangal ni Sheila ay ang general medal of excellence award, academic award, at leadership award.

Sa mensahe pa ni Sheila, sinabi nitong iniaalay niya sa kanyang amang construction worker ang natamong tagumpay kahit na hindi ito naka-attend sa kanyang graduation (Grade 10).

Sabi ng dalaga sa panayam ng GMA, “Simpleng gesture ko lang po iyon. Kasi po hindi ko po masabi gamit yung mga salita ko, kaya po ayon na lang po yung nagawa ko sa kanya.”

Pangarap daw niyang maging arkitekto, “Gusto ko pong maging isang architect po, kasi po na-inspire po ako kay Papa, sa mga efforts niya po.”

Ito naman ang mensahe niya sa mga kapwa estudyante, “Sa lahat ng oras ay dapat pasalamatan natin iyong ating mga magulang.”

https://bandera.inquirer.net/289939/kathryn-tuloy-na-ang-pagpapatayo-ng-dream-house-para-sa-pamilya-i-cant-believe-its-finally-happening

https://bandera.inquirer.net/248224/tom-guguhit-for-a-cause-tutulong-sa-street-vendor-driver-construction-worker
https://bandera.inquirer.net/289891/nesthy-petecio-kauna-unahang-pinay-boxer-na-nagwagi-ng-medalya-sa-olympics

Read more...