Herlene Budol naging instant BFF si Miss Bataan kahit Inglisera: Wala kaming communication pero the best ang bonding namin!

KAHIT Inglisera at mukhang sosyal na sosyal, naging super ka-close pa rin ni Herlene Budol ang kapwa kandidata niya sa Binibining Pilipinas 2022 na si Anna Valencia.

Ayon kay Herlene na unang nakilala sa showbiz bilang Hipon Girl, nakahanap raw siya ng bagong true friend sa katauhan ni Anna.

Kuwento ng Kapuso comedienne sa interview ng media kamakailan, sa dami ng mga kasamahan niya sa Binibining Pilipinas pageant, naging mas close siya kay Anna na siyang pambatong kandidata ng Bataan.

Aniya, mas nagkakaintindihan daw kasi sila kahit pa madalas makipag-usap sa English ang aspiring beauty queen.

Chika ni Hipon Girl, “Si Anna Valencia kasi hindi man kami nagkakaintindihang dalawa dahil alam naman nating lahat na Englishera siya pero para sa akin through heart para kaming magkapatid na isang senyasan lang gets na namin ang isa’t isa.”


Dagdag pa niyang chika, “Minsan ayoko na rin siya kausap e, mata-mata na lang ganu’n medyo may pagkakomedyante rin kasi ‘tong si Anna e.

“‘Hey girl,’ sasabihin niya sa akin tapos sasabihin ko lang, ‘Hey.’ Automatic ‘yun, whole day magkatabi kami pero hindi kami nag-uusap, ganu’n kaming dalawa, ‘Hey girl’ lang ang pinaka-umpisa tapos ‘Bye!’ na ‘yung huli,” sey pa ng komedyana.

Hirit pa niya, “‘Di ba sabi communication ‘yung best bonding? Sa amin kahit walang communication, the best ang bonding namin kaya shoutout sa ‘yo Anna.”

Samantala, marami ang nagsasabi na malakas ang laban ni Herlene sa Binibining Pilipinas 2022 dahil sa ipinakikita niyang performance sa pre-pageant activities, lalo na nang rumampa na siya sa swimsuit competition.

Magkakaalaman na kung sinu-sino ang mga tatanghaling reyna sa Binibining Pilipinas 2022 grand coronation night sa July 31.

https://bandera.inquirer.net/318207/herlene-budol-ipinakilala-ang-pinakamalapit-na-kandidata-sa-bb-pilipinas-2022
https://bandera.inquirer.net/280396/carmina-sa-mga-netizens-oo-maarte-ako-oa-ako-pero-hindi-naman-ako-sosyal
https://bandera.inquirer.net/306531/lj-reyes-masayang-nakipag-bonding-sa-mga-anak-best-way-to-keep-them-away-from-screen

Read more...