Lotlot de Leon todo pasalamat sa Noranians, super proud sa pagiging National Artist ni Ate Guy

Lotlot de Leon, Nora Aunor at Janine Gutierrez

PROUD na proud ang aktres na si Lotlot de Leon sa natanggap na pagkilala sa kanyang nanay na si Nora Aunor bilang pinakabagong National Artist for Film ng Pilipinas.

“Beyond words” kung ilarawan ni Lotlot ang nararamdaman ng kanilang pamilya sa paggawad sa nag-iisang Superstar ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ng nasabing titulo.

In fairness, doble nga ang kaligayahang nararamdaman ni Ate Guy nang araw na yun, dahil bukod sa bago niyang achievement sa kanyang career bilang alagad ng sining, nagkaayos pa sila ng anak na si Lotlot.

Matagal ding hiniling at ipinagdasal ng mga Noranians at ng mga taong nagmamahal sa award-winning veteran actress ang pagbabati ng mag-ina na nag-ugat lamang sa maliit na tampuhan at lumala lang nang lumala habang dumaraan ang panahon.

“Oo, proud! Everyone is we are all proud of her. Her family is very proud of her,” ang pahayag ni Lotlot sa pabibigay ng National Artist award sa kanyang ina nang mag-guest siya sa “Magandang Buhay” last Friday, July 8.


Sey pa ni Lotlot, “My mom is grateful for the award na ibinigay nila sa kanya. At grateful lang. Beyond words.”

Mensahe pa ng aktres, “So, maraming salamat lang sa lahat ng nagtitiwala, sa lahat ng nagmamahal hanggang ngayon. Sa lahat ng ipinaglalaban si Mommy. So, maraming salamat sa inyong lahat.”

Matatandaang hindi nakadalo si Ate Guy sa awarding ceremony para sa walong recipients ng National Artist award sa Malacañang noong June 16, dahil sa kanyang iniindang sakit.

Hindi siya pinayagan ng mga doktor na umalis ng ospital kaya ang mga anak niyang sina Ian, Matet, Kiko at Kenneth de Leon ang tumanggap ng kanyang plake. Naiwan daw umano si Lotlot sa ospital para bantayan ang kanilang ina.

At dito na nga nakumpirma na nagkaayos na sina Lotlot at Nora makalipas ang ilang taong tampuhan.
Sa speech ni Matet matapos nilang tanggapin ang award ng Superstar, sinabi nitong didiretso silang magkakapatid para ihatid ito sa kanilang nanay.

Mensahe naman ni Ian, “We have been waiting for it for a couple of years. It was long overdue for our mother. You know, when the official announcement naming her National Artist was made, we felt so ecstatic. Proud na proud kami bilang mga anak for our mom.”

https://bandera.inquirer.net/303012/lotlot-sa-nagsabing-napakatigas-ng-puso-niya-kay-ate-guy-wala-na-po-ba-kayo-idadagdag-sa-panghuhusga-nyo

https://bandera.inquirer.net/316376/lotlot-nakipag-ayos-na-raw-kay-ate-guy-binantayan-ang-ina-nang-magkasakit
https://bandera.inquirer.net/317304/nora-aunor-nagpunta-sa-tribute-para-sa-national-artists-kahit-may-sakit

Read more...