G Tongi kinuyog ng bashers matapos soplahin si Ella Cruz sa viral hugot na ‘History is like tsismis’

G Tongi at Ella Cruz

DIRETSAHANG tinawag na “mga tanga” ng aktres at host na si Giselle Tongi ang mga basher nang ibandera niyang nagmartsa siya sa EDSA People Power Revolution noong February, 1986 sa edad na walo.

Maraming kumuwestiyon at nagsabing nagsisinungaling umano ang hindi na aktibong aktres sa kanyang naging statement tungkol sa 1986 People Power kasabay ng paglalabas ng ebidensiya sa social media.

Last Friday, July 8, inalmahan ni G Tongi ang pagkalat ng lumang artikulo kung saan nabanggit nga na “15 years old” na siya nang umuwi sa Pilipinas kasama ang kanyang nanay.


Nag-ugat ito sa kontrobersyal na pahayag na “History is like tsismis” ni Ella Cruz kung saan nagbigay din ng reaksyon si Giselle last July 5, sa pamamagitan ng Twitter.

May konek ito sa role ni Ella bilang si Irene Marcos sa pelikulang “Maid in Malañanang” ni Darryl Yap na tumatalakay sa huling tatlong araw ng pamilya Marcos sa Palasyo ng Malakanyang bago bumaba sa pwesto.

Ang sey ni Ella, “History is like a chismis. It is filtered and dagdag na rin, so hindi natin alam what is the real history. Andoon na iyong idea, pero may mga bias talaga. As long as we’re alive. At may kanya-kanyang opinion. I respect everyone’s opinion.”

Comment naman ni G, nagmartsa din siya kasama ang libu-libong Filipino sa EDSA noong eight years old pa lamang siya.

Hirit ni G, “@itsEllaCruz actors don’t need to justify the villainy of their roles.

“I would to share with you how at 8 years old in 1986, I marched to the streets, along with countless others who r part of a history you are dismissing as here say.

“Wag nak’! It feels like erasure. Di Tama!” diin pa niya.

Kasunod nito, nag-react nga ang mga netizens sa sinabi ni G at ipinost pa ang screenshot ng lumang article na may titulong, “Tongi waits in the wings.”

Ayon sa isang bahagi ng artikulo, “Giselle was born in France to a Swiss father and a Filipino mother. She was raised by her mom in New York and came to live with her in Manila when she was 15.”

At dahil nga rito, na-bash nang bonggang-bongga ang aktres kaya naman todo emote ito sa pagtatanggol sa kanyang sarili.

“Why are people so gullible? I was at People Power, when the Marcos authoritarian family was ousted out of power. I was a student in De La Salle Zobel at the time living in Paranaque.

“Just coz a prior article is wrong doesn’t discredit my experience. Mga tanga!” mariin pang bwelta ni G Tongi.

https://bandera.inquirer.net/279741/g-tongi-naturukan-na-ng-covid-19-vaccine-sa-us-kabilang-nga-ba-sa-frontliners

https://bandera.inquirer.net/317033/jed-madela-tinawag-na-bobo-tanga-nang-kumanta-sa-pa-thanksgiving-ni-pangulong-duterte-pang-patay-daw-kasi
https://bandera.inquirer.net/291602/cellphone-ni-alex-nahablot-sa-edsa-salamat-sa-asawa-ng-snatcher-ko-dahil-subscriber-ko-raw-sila

Read more...