Bet ng Laguna sa Bb. Pilipinas 2022 may malupit na ‘pasabog’

Si Binibini 31 Yllana Marie Aduana ang kinatawan ng Laguna sa 2022 Bb. Pilipinas pageant./ARMIN P. ADINA

MULA nang pumasok ang Hulyo, limang video na ang inilalabas ni Yllana Marie Aduana, kandidata ng 2022 Binibining Pilipinas pageant na nagmula sa Laguna, sa Facebook page niya. At hindi pa pala siya natatapos.

Sa unang video na nilabas niya noong Hulyo 1, ipinakilala niya ang seryeng “Halina, Laguna!” at ipinakita ang ilang patikim mula sa pagdalaw niya sa bawat isa sa anim na lungsod at 24 na bayan sa lalawigan. Mula noon, naitampok na rin niya ang mga bayan ng Kalayaan, Cavinti, Paete, at Pila sa tig-iisang mga bidyo.

At sa pagtatapos ng buwang ito, makapaglalabas na siya ng may kabuuang 30 bidyo, tig-isa bawat lungsod at bayan ng Laguna. Wala pang kandidata ng isang pambansang patimpalak na gumagawa nito.

“The idea of ‘Halina, Laguna!’ has always been imprinted in me ever since I started joining pageantry in 2021 with Miss Philippines Earth where I represented my municipality, Siniloan,” sinabi ni Aduana sa Inquirer.

Yllana Marie Aduana (center) is a ‘beauty athlete’ of ProMedia, headed by Paul Izon Reyes (right) and Jam Aquino./ARMIN P. ADINA

Marami umano ang nagtanong sa kanya tungkol sa Siniloan, at ikinagalak niyang maipakilala ang bayan sa publiko. “And the idea suddenly just popped in my mind, that when I get to represent the entire province of Laguna soon, I will definitely travel to all places that we have and film them one by one,” paglalahad pa niya.

Sinabi ng kasalukuyang Miss FIT (Face, Intelligence, Tone) Philippines na pangarap niyang mabitbit ang pangalan ng lalawigan sa pambansang entablado. “Laguna has given me so much. And the same way, I want to reciprocate that by conceptualizing ‘Halina, Laguna!’ where I could equally represent even the places that are off the beaten path. Through that, people will know more about our beautiful history, culture, and traditions,” pinaliwanag niya.

Walong araw sa loob ng mahigit isang buwan ang ginugol niya at ng pangkat niya upang dalawin ang bawat isa sa anim na lungsod at 24 bayan sa Laguna upang makabuo ng 30 bidyo.

Yllana Marie Aduana (left) is being trained by Rodgil Flores of the Kagandahang Flores beauty camp./ARMIN P. ADINA

Umaasa siyang maipakikita ng “Halina, Laguna!” sa madla “how we are a gold mine and a treasure trove of so much unexplored and untapped potentials. And I hope that through this, they will also be inspired to discover their places too.”

Kabilang si Aduana sa 40 kalahok mula sa iba’t ibang panig ng bansa sa 2022 Bb. Pilipinas pageant.

Apat na reyna ang kokoronahan—Bb. Pilipinas International, Bb. Pilipinas Intercontinental, Bb. Pilipinas Globe, at Bb. Pilipinas Grand International—sa grand coronation night sa Smart Araneta Coliseum sa Araneta City sa Quezon City sa Hulyo 31.

Read more...