2 aktres sa ‘Emily In Paris’ na-meet ni Heart nang personal; Kate Valdez, Kelvin Miranda magtatambal sa ‘Unica Hija’

Heart Evangelista, Camille Razat at Ashley Park

BONGGANG-BONGGA talaga ang mga drama at pasabog ng Kapuso actress at fashion icon na si Heart Evangelista!

Nasa Paris, France pa rin hanggang ngayon ang misis ni Sen. Chiz Escudero para sa 2022 Paris Fashion Week at nakikipag-rubbing elbows sa mga sikat na international stars doon.

Pagkatapos mag-viral ang mga sosyal at paandar na litrato niya sa social media, hot topic na naman ng kanyang mga supporters ang latest photo niya sa Instagram.

Ito nga yung IG picture ni Heart sa City of Love kasama ang dalawang stars ng hit Netflix series na “Emily in Paris” — sina Camille Razat at Ashley Park.

Ang nasabing photo ay kuha habang sila’y nasa fashion show ni  Olivier Rousteing. Ani Heart sa caption ng photo nila nina Camille at Ashley, “Tonight @jeanpaulgaultier @olivier_rousteing collection.”


Nag-post naman ng mensahe si Camille sa comment section ng IG post ni Heart at nagsabing, “Pleasure to meet you.”

Kamakailan, pinusuan din ng mga netizens ang litrato ni Heart kasama ang Korean superstar na si Song Hye Kyo na kuha naman sa Chaumet’s gala dinner.

Si Song Hye-kyo ang bida sa mga hit Korean series na “Descendants of The Sun”, “Encounter”, “Full House” at marami pang iba.

* * *

Itinuturing ng Kapuso actress na si Kate Valdez na biggest break ang pagpili sa kanya ng GMA Network para bumida sa pinakabagong Afternoon Prime series na “Unica Hija.”

Doble ang excitement ni Kate sa kanyang bagong TV project dahil dual role ang kanyang gagampanan kung saan lalabas siya bilang produkto ng cloning.

First time ring makakatambal ni Kate ang Sparkle artist na si Kelvin Miranda habang gaganap namang kontrabida sa serye si Faith da Silva.


Pasok din sa cast ang “Starstruck” Batch 1 alumni na sina Mark Herras at Katrina Halili, at ang batikang singer at aktor na si Buboy Garovillo.

Abangan ang “Unica Hija” sa GMA 7.

https://bandera.inquirer.net/304927/heart-iyak-nang-iyak-habang-nasa-paris-fashion-week-i-was-very-stressed-kasi-ako-lang-nag-iimpake

https://bandera.inquirer.net/305827/beatrice-gomez-matindi-ang-pasabog-tungkol-sa-hiwalayan-nila-ni-kate-jagdon

https://bandera.inquirer.net/299562/kate-inatake-ng-nerbiyos-habang-kaeksena-si-khalil-bilang-magdyowa-sa-love-on-air

https://bandera.inquirer.net/305827/beatrice-gomez-matindi-ang-pasabog-tungkol-sa-hiwalayan-nila-ni-kate-jagdon

Read more...