NANGANGARAP pa rin ang TV host-comedian na si Vice Ganda na magkaroon sila ni Ion Perez ng sariling anak kahit pa tumatanda na raw siya.
Sa ngayon ay wala nang mahihiling pa ang komedyante sa kanyang career at personal na buhay kaya ang palagi na lamang niyang ginagawa ay magpasalamat sa Diyos.
Ang latest ngang blessing na natanggap niya ay ang matagumpay niyang concert sa US na talagang sinuportahan ng mga kababayan nating naninirahan na roon.
“Seriously, right now, wala na akong extrang hinihiling. Kasi I want to enjoy the blessings I received now.
“Kasi di ba, lagi tayong maraming hinihiling, lagi tayong maraming in-a-aspire, lagi tayong maraming gustong ma-achieve. Araw-araw gusto nating may laging bagong ma-achieve.
“Ang problema du’n, may lagi tayong may gustong ma-achieve, yung pag binigay sa atin yung pinapanalangin natin, pag dumating siya hindi natin ma-enjoy. Imbis na ini-enjoy natin yung pagdating ng biyaya natin, meron na namin tayong bagong gusto,” pahayag ni Vice sa isang interview.
Aniya pa, “For the longest time that I’ve been praying for things, for blessings. Ngayon na nandidito na siya sa harap ko, gusto ko lang siya i-enjoy.
“I want to enjoy my career, I want to enjoy my relationship with Ion, I want to enjoy my family, my friends. Yung estado ko ngayon, gusto ko siyang i-enjoy lahat. Kaya pag nag-iisip ako, ‘Ano pa ba yung gusto ko?’ Ayoko muna mag-isip ng panibago. Kasi gusto ko siyang ma-enjoy now. Yung ganun,” dagdag pang chika ng komedyante.
Kasunod nito, nabanggit nga ni Vice ang tungkol sa pangarap niyang magka-baby, “Siguro another dream is magkaroon ng sarili kong anak. Pero hindi ko minamadali. Hindi ko pini-pressure yung sarili ko na matanda na ako kailangan magkaroon ako ng anak.
“If it will happen, I will embrace the moment when it happens. Pero for now, okay lang din hkung wala kasi ito ang binibigay sa akin na buhay ng Diyos,” sabi pa ni Vice.
Isa pang pangarap niya ay ang magkaroon ng international career, “Pangalawa yung suntok sa buwan. Pero hindi ko rin naman kumbaga pini-pressure yung sarili ko na dapat mangyari na pag hindi malulungkot ako.
“Yung maka-penetrate internationally. Kunwari ngayon, okay naman ang career ko sa Pilipinas.
“Yung maka-Hollywood, yung ganu’n. Yung malaki yung pangarap na yun. Siyempre iba yung the Filipino horse makes it to Hollywood, di ba?” natatawang sey pa ni Vice Ganda.
https://bandera.inquirer.net/316701/jake-ejercito-wala-pang-balak-magdyowa-at-magpakasal-ok-lang-ako-im-content-with-ellie
https://bandera.inquirer.net/303369/hugot-ni-chito-sa-pagkakaroon-ng-sariling-pamilya-it-gave-me-a-deeper-purpose-in-life
https://bandera.inquirer.net/302082/derek-gusto-pang-magkaroon-ng-mga-baby-i-want-a-boy-ellen-wants-a-girl