Jaclyn sa mga magulang na ginagawang puhunan ang anak para yumaman: Parang prostitution na rin yun, di ba?

Jaclyn Jose at Andi Eigenmann

INIHALINTULAD ng award-winning veteran actress na si Jaclyn Jose sa prostitusyon ang paggamit ng magulang sa kanilang mga anak para yumaman o guminhawa ang buhay.

Matapang na sinabi ng beteranang aktres na halos walang pagkakaiba ang “pagbebenta” ng magulang sa sariling anak sa pagkunsinti sa mga bata na magtrabaho na sa murang edad.

Napag-usapan ang tungkol dito sa nakaraang virtual mediacon ng bago niyang pelikula sa Vivamax, ang “Tahan” last Tuesday, July 5, kung saan makakasama rin niya si JC Santos at ang sexy star na si Cloe Barreto.

Ito kasi ang kontrobersyal na tema ng pelikula na idinirek ni Bobby Bonifacio, Jr..

“Huwag nating gawing puhunan ang ating mga anak sa kabuhayan, sa kinabukasan. Hindi nila problema ang naging problema ng magulang.

“It is the responsibility of the mother or the parents to take care of their children, not the other way around, kasi bata pa ang mga ‘yan.

“Dapat ‘yan inaaruga mo pa. Inaalagaan mo pa at tinutulungan,” pahayag pa ni Jaclyn.

Patuloy pa niya, “But I’m sorry to say this, pero hindi lang sa Pilipinas, sa buong mundo, ginagawang puhunan ang ating mga anak para sa ating magandang buhay, pageant, kung anu-anong reality (show) whatever, ipino-post yung mga bata. Younger age ito, ha?

“So, parang prostitution na rin yun, di ba? That is so sad. Siguro sa kahirapan ng buhay,” katwiran pa ng aktres na napapanood din sa Kapuso series na “Bolera.”

Kaya naman umaasa siya na, “Through this movie, mabigyan natin ng lesson yung mga nanay na ito ang mangyayari sa anak mo kapag nagpatuloy ka na gawin ‘yan.

“Higit sa lahat, hindi sila ang kailangang maging puhunan o itulak sa kapahamakan para ka umangat,” ani Jaclyn.

Samantala, natanong din si Jaclyn sa presscon kung ano ang matinding sitwasyon na naranasan niya na nagpaiyak sa kanya nang bonggang-bongga.

“Longing, missing my children. Missing Andi and my son. Kapag nanay ka kasi, hindi ka tatahan. You just have to control and keep loving. Yun ang nagpapaiyak sa akin, ang mga anak ko.”

“Anak ang laging iniiyakan ko. Yung kanilang well-being, yung kanilang safety. Kahit malayo sila, may narinig ka, nasugatan ang apo, iiyakan mo ‘yan.

“May sakit ang anak, nasa malayong lugar, iiyakan mo ‘yan. It will always be a love of a mother to her children. ‘Yan ang palaging iniiyakan ng isang nanay.

“Si Andi, nasa Siargao. And my son is studying in the U.S. So, ‘yan ang palaging, once in a while, umaatake sa ‘yo.

“But sa trabaho, extended family ko ang co-workers ko, sa taping o sa movie. I always treat them as my family. So, yun naman ang nakakapag-divert ng lahat-lahat. So, happy rin, everything is well,” lahad ng aktres.


Nasa Amerika si Jaclyn nang humarap sa entertainment press sa online mediacon ng “Tahan”. Binisita raw niya sa US ang anak na si Gwen na nag-aaral doon.

“I get to see my son, spend time with him. Siguro naman, sa hinaba-haba ng tinrabaho ko sa buong buhay ko, deserve ko naman to take a little rest.

“But I will be coming home soon and I will be working again. Nobody can take that away from me, portraying a character.

“Habambuhay ko na ‘yang dadalhin, to portray a character. That is what I love most. Pag-uwi ko, work ulit. I’m excited to do an indie, a teleserye or whatever work that will make me happy and comfortable,” kuwento ng premyadong aktres.

Mapapanood na simula sa July 22 sa Vivamax ang “Tahan” kaya abang-abang na!

https://bandera.inquirer.net/296579/jaclyn-jose-binanatan-si-albie-may-pakiusap-kay-direk-lauren-dyogi

https://bandera.inquirer.net/288387/jaclyn-jose-bumuwelta-sa-kapamilya-director-hindi-po-kami-basura

https://bandera.inquirer.net/296618/jaclyn-andi-kinuyog-ng-netizens-sinira-nyo-career-ni-albie-pero-never-kayong-nag-sorry

Read more...