Kyle Echarri sa kapatid na may brain tumor: Napakahirap po, it hurts that I can’t be there for her…

Kyle at Bella Echarri

“SHE’S always been my number one!” Ito ang ipinagdiinan ng Kapamilya actor-singer na si Kyle Echarri patungkol sa nakababata niyang kapatid na si Bella.

Kamakailan lang ay malungkot na ibinalita ni Kyle sa kanyang mga fans at social media followers na na-diagnose ang kanyang sister na may brain tumor.

Sabi ng binata, kay Bella raw talaga umiikot ang mundo niya simula pa noong mga bata pa sila at napakasakit para sa kanya na malamang may malalang karamdaman ang kapatid.

Sa ginanap na virtual mediacon ng bago niyang serye na “Beach Bros,” nagbigay ng kanyang saloobin si Echarri sa pinagdaraanan ni Bella.

“Sa kapatid ko naman, kita n’yo naman po sa post ko tungkol sa kaniya, she’s been my world since the day she was born. She’s always been my number one. Mahirap po talaga.

“Yung pinagdaraanan niya ngayon mahirap po, hindi lang para sa akin kundi para rin sa pamilya ko,” emosyonal na pahayag ni Kyle.

Nasa Amerika ngayon ang kapatid niya kaya mas masakit sa kanya ang magkahiwalay sila dahil kailangan niyang magtrabaho rito sa Pilipinas.


“It hurts that I can’t be there for her at this very moment in time. I can’t be with her all the time. Pero it’s just better for her to get the treatment done in America. For us, it will be better there.

“Mahal na mahal ko po talaga ‘yung kapatid ko. Alam n’yo naman po ‘yun since Day one. Tuwing nagge-guest naman siya sa ‘Magandang Buhay’ talagang umiiyak po ako parati,” sabi pa ng young actor.

Patuloy pang pahayag ni Kyle, “Hindi n’yo po makikita ang ganitong Kyle Echarri kung wala po si Isabela Echarri kasi siya po talaga nagbago ng buhay ko. And she’s always been the center of my life and everything that I do,” sabi pa ng binata.

Kamakailan, ibinahagi nga niya sa madlang pipol sa pamamagitan ng Instagram ang tungkol sa sakit ni Bella, “Just yesterday I was told by my family that my little girl was diagnosed with a brain tumor on May 2nd and she wanted to hide it from me because she said she didn’t want me to get stressed while I was working. To say it hurts is an understatement.”

Kasunod nito, bumuhos naman sa kanyang IG ang mga inspirational message mula sa mga tagasuporta niya at mga kaibigan sa showbiz.

https://bandera.inquirer.net/316595/kyle-echarri-humingi-ng-dasal-para-sa-kapatid-i-love-this-girl-10x-more-than-i-love-myself

https://bandera.inquirer.net/310528/hugot-ni-wil-dasovich-kapag-nagkadyowa-ng-bago-si-alodia-it-may-hurt-it-may-be-weird-it-may-be-awkward-but

https://bandera.inquirer.net/310896/joshua-garcia-na-feature-sa-tiktok-video-ni-bella-poarch-sey-ng-netizens-may-sumingit-sa-pila

Read more...