Mo Twister nag-react sa panukalang palitan ang pangalan ng NAIA

Mo Twister nag-react sa panukalang palitan ang pangalan ng NAIA

HINDI nagustuhan ng celebrity DJ na si Mo Twister ang panukala ukol sa pagpapalit ng pangalan ng Ninoy Aquino International Airport at isunod ito sa pangalan ng dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Sa kanyang Twitter account ay ibinahagi niyo ang kanyang pahayag hinggil sa inihaing panukalang ni Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr.

Ani Mo Twister, matagal na niyang nakita ang posibilidad na palitan ng mga nasa puwesto ang pangalan ng airport pero hindi niya inaasahan na ganito kabilis.

“Last year, I said it would likely take 6 months in a BBM administration to see movement to change the name of the airport,” saad ng ceebrity DJ.

Dagdag pa ni Mo Twister, “I said it would be inevitable but not in the first few days or months. Vanity can’t be that important. It took 6 days.”

Base sa naghain ng panukala na si Rep. Arnolfo Teves Jr., nararapat lang daw na isunod ang pangalan nito sa dating pangulo at gawing “Ferdinand E. Marcos International Airport” ang NAIA.

“It is more appropriate to bear the name that has contributed and [left a] legacy in our country to make the Philippines a center of international and domestic air travel, who has instituted and built or conceptualized the project,” saad ng mambabatas.

Hindi lang si Mo Twister ang napa-react sa isyu dahil pati ang mga netizens ay napataas ang kilay sa inihaing panukala ng mambabatas.

“The Rep from Negros Oriental has his priorities in a twist. Prices are soaring people are eating noodles instead of rice and your bill is to rename NAIA? Konting delicadeza naman,” comment ng isang netizen.

Saad pa ng isa, “Are they seriously trying to change the name of NAIA? Out of all the problems the Philippines are facing you spend your time and money as a public official in trying to change an airport because why? If this isn’t petty, I don’t know what is.”

Ang orihinal na pangalan ng paliparan ay Manila International Airport. Noong 1987 ay ipinatupad ang Republic Act No. 6639 kaya napalitan ang pangalan nito sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA bilang pag-alala sa pagkakabaril ng dating senador sa naturang paliparan.

Related Chika:
Mo Twister binanatan si Bongbong Marcos: He’s never been in a job interview

Ninakaw na bulldog nina DJ Mo at Angelicopter natagpuang patay; iniimbestigahan na ng pulis sa Las Vegas

DJ Mo tinamaan din ng COVID-19, humingi ng tulong sa netizens; KimXi super pakilig sa V-day

Read more...