John Lloyd nagpramis na titigilan na ang paglaklak ng alak, adik na sa pagdyi-gym?

John Lloyd Cruz INQUIRER

PUSPUSAN daw ang pagdyi-gym ngayon ni John Lloyd Cruz – goodbye na raw ito sa alak, ayon sa aking impormante. Regular na raw itong nag-e-exercise para mag-lose ng weight dahil he felt na tumataba na raw siya sa kaiinom.

How true na isa rin sa reasons kung bakit gusto nang tigilan ni Lloydie ang pag-iinom ay dahil sa nagkaka-gout na raw siya. Plus the fact na malamig pa naman ngayon, di ba’t parang rayuma iyan na kapag malamig ay kumikirot?

Mabuti naman kung ganu’n. Kasi nga, kung anu-anong mga nababalitaan natin about John Lloyd tuwing nalalasing daw siya.

Maraming kuwentong umiikot about him lalo na may kunek sa alak. Hindi lang daw nababalita sa media dahil mahusay itong lumusot tuwing nasusuong sa ganitong mga sitwasyon.

“May nagkuwento sa akin one time daw, lasing na umuwi si Lloydie at pagdating daw niya, may nakaparada raw na ibang sasakyan sa tapat ng bahay nila, bisita ng isang neighbor nila at since gabi naman ay nag-park lang daw sa tapat nila dahil bakante naman iyon at hindi nakaharang sa driveway. Dahil lasing daw si Lloydie, pinagtatadyakan daw nito ang car at umabot pa sila sa pulisya. Pero ang father daw ni Lloydie ang umako sa kasalanan ng anak,” anang isang source natin.

Hindi natin alam kung totoo ito dahil hindi naman nagsalita ever si Lloydie about this issue kaya pwedeng paninira lang.

“Pero in fairness ha, hindi naman siya tulad ni Baron Geisler kapag nalalasing. Basta nakakatulog lang siya pag sumobra na ang nainom,” sabi naman ng isa pa naming kausap.

“Hindi ba’t iyan din ang isa sa dahilan kung bakit siya hiniwalayan noon ni Ruffa Gutierrez. May kuwento iyan eh, pakuwento ka kay Ruffa,” anang isang writer-friend.

Actually, hindi ko alam na merong kinalaman sa pag-iinom ni John Lloyd ang hiwalayan nila ni Ruffa. Sa pagkakaalala ko, may kinalaman yata si Cristine Reyes that time sa break-up nila. Madalas daw kasing nakikita that time sina Lloydie and Cristine na nagba-bar sa Libis area, magkalapit-bahay lang yata that time ang dalawa kaya siguro nagkakayayaan na gumimik.

Pero ang drama nila, hindi raw sinasadya ang pagkikita nila doon. Ito’y sa kabila nga ng mga balita na may nakakahuli sa kanila na sweet sa isa’t isa. Pero noon pa iyon. Now, seems like very happy naman si Lloydie sa piling ni Angelica Panganiban kaya wala nang masyadong ganoong kuwento tuwing nakakainom si John Lloyd.

Kung totoo mang hindi na umiinom si John Lloyd ngayon, isa kami sa natutuwa sa balitang ito. Sayang naman kasi kung mauuwi lang sa wala ang kaniyang pinaghirapang pangalan nang dahil lang sa alak. We saw in him the image of the late Dindo Fernando as an actor, may hawig sila, di ba? Napakahusay na aktor nitong si Lloydie at love namin iyan. Kaya nang malaman kong he’s into gym, WOW! Bongga, di ba? In fact, na-miss na namin siya sa TV at movies, hindi kami sanay na wala siyang projects dahil we believe in him as an actor.

Ilan lang ba ang katulad ni John Lloyd Cruz na mahusay na, malakas pa sa merkado? Bihira iyon, ha. Marami riyan, magaling nga pero nilalangaw naman sa takilya ang mga pelikula at meron namang hindi gaanong mahusay pero box-office ang mga projects. John Lloyd carries both flags kaya sayang kung mapabayaan niya ang kaniyang career.

Hay buhay…sabi nga nila, you cannot have them all. Pero with this, we see a very, very light Lloydie na kayang mabago ang sistema ng buhay niya kung gugustuhin niya.

 

Read more...