Heart pang-asar ang sagot sa netizen na nagtanong ng, ‘Mare, anong laman ng bag mong expensive?’

Heart Evangelista

NANG-AGAW na naman ng eksena sa social media ang Kapuso actress na si Heart Evangelista dahil sa kanyang sosyalera at bonggang-bonggang OOTD.

Sandamakmak na netizens ang nag-react sa bago niyang pasabog na litrato suot ang modern Filipiniana na tinernuhan ng bitbit niyang maliit na silver bag.

Ipinost ng aktres at fashion icon sa kanyang Instagram ang mga litrato kagabi, July 5, na may caption na, “My kind of Filipiniana by my darling @cheetahriverastudioPH.”

Pinangalanan ng designer na si Cheetah Rivera ang OOTD ni Heart ng “Santiago” ang kanyang bagong creation. Isinunod daw niya ang name na ito sa yumaong senador na si Miriam Defensor-Santiago.

Alam naman ng lahat na isa si Heart sa mga naging malalapit na kaibigan ni Sen. Miriam noong nabubuhay pa ito.

Ayon sa post ng fashion designer,  “Meet ‘Santiago.’ A bespoked modern-day terno paired with a floral appliqué micro-mini dress adorned with embroidered ‘mariposa’ of varying shades and sizes by our local artisans.


“This piece is a tribute and a celebration of the strength of a Filipina. Aptly named after the late Senator Miriam Defensor Santiago.

“Watch as ‘Santiago’ fly and unfold as worn by the one and only @iamhearte.

“Mabuhay ang Terno! Mabuhay ang lahing Filipino!” aniya pa.

As expected, pinusuan at ni-like ng libu-libong netizens ang picture ni Heart at halos lahat ay napa-wow sa ganda ng kanyang Filipiniana terno.

Pero bukod nga rito, marami rin ang nakapansin sa dalang small silver purse ni Heart, isa na nga rito ang Instagram user na nagtanong sa aktres ng, “Mareng Heart ano lang nanaman laman ng bag mong expensive? (crying emoji).”

In fairness, napansin ni Heart ang comment ng kanyang follower at sinagot ito ng, “Peace of mind and confidence po.”

Aliw na aliw naman ang mga netizens sa naging tugon ni Heart at halos lahat ay nagsabing ibang klase raw talaga ang intelligence at wit ng misis ni Sen. Chiz Escudero.

Mas dumarami pa ang followers ni Heart sa social media dahil talaga namang nakaka-good vibes ang kanyang nga post, lalo na kapag nirereplayan na niya ang mga epal at bastos na bashers.

Nakakaaliw kasi ang mga hugot at punchlines ng aktres sa kanyang mga bashers at kahit pinapatulan niya ang mga ito, hindi pa rin nawawala ang kanyang pagiging marespetong sosyalera.

https://bandera.inquirer.net/292336/pacquiao-sa-mahigit-p2-m-ootd-ni-jinkee-mukhang-mamahalin-lang-ang-asawa-ko-pero

https://bandera.inquirer.net/302707/nadine-iwas-na-iwas-sa-colored-ootd-grabe-raw-kasing-magpawis-ang-kilikili
https://bandera.inquirer.net/292336/pacquiao-sa-mahigit-p2-m-ootd-ni-jinkee-mukhang-mamahalin-lang-ang-asawa-ko-pero

Read more...