Obispo: Bawasan ang ‘selfie’, telenovela

HINIKAYAT ni Caloocan Bishop emeritus Teodoro Bacani ang mga mananampalatayang Katoliko na bawas-bawasan ang panonood ng mga telenovela at ang pagiging “selfie” sa panahon na ang bansa ay naiipit sa matinding kaguluhan sa Mindanao at korupsyon dala ng pork barrel scam.

Auon kay Bacani sa kanyang misa kaugnay sa international pilgrimage ng Our Lady of Fatima mula sa Portugal, mas makabubuti sa maraming Pinoy na maglaan ng oras para sa panalangin at pagrorosaryo kahit sa loob lamang ng 15 minuto.

“Pray the rosary so that you will have peace,” ayon kay Bacani.

Dagdag pa ng obispo, ang mindset na “I, me and myself” ay siya ring patungkol sa “selfie” snapshots na makikita sa mga social networking sites.

“We are selfish, this is what we need to do away with. [it’s all about] I, me and myself [like] those who keep on taking selfie photos…I joked some people, telling them, ‘you’re all about picture-taking, but never about picture-giving. This is the world today, it’s all about taking,”  paliwanag ni Bacani.

Ang pagdarasal ng rosaryo at ang pag-iwas sa pagiging makasarili ay bahagi ng mensahe ng Blessed Virgin Mary na nagpakita sa tatlong kabataan sa Fatima, Portugal noong 1917.

Read more...