Juliana Parizcova nadamay sa galit ng netizens kay Ella, inokray ang itsura: Yung prutas fresh pa, ‘yung mukha mo bulok na!

Juliana Parizcova nadamay sa galit ng netizens kay Ella, inokray ang itsura: Yung prutas fresh pa, ‘yung mukha mo bulok na!

Ella Cruz at Juliana Parizcova Segovia

 

NADAMAY na rin ang komedyante at Miss Q&A 2018 ng “It’s Showtime” na si Juliana Parizcova Segovia sa kontrobersyang kinasasangkutan ni Ella Cruz.

Maraming nang-ookray ngayon kay Juliana dahil sa friendship nila ni Ella na kinakawawa ng mga bashers dahil sa viral statement nitong “History is like tsismis” na naging national issue na nga ngayon.

Sa gitna ng kontrobersyang idinulot ng naging pahayag ni Ella na may konek Marcos family at sa bago niyang pelikula sa Viva Films, ang “Maid In Malacañang”, nag-post si Juliana sa Facebook kung saan nabanggit niya ang kaibigang aktres.

Wala sina Juliana at Ella sa ipinost ng komedyante sa FB, tanging pinya at bagoong lamang ang makikita rito. Aniya sa caption, “Nakain kami ni Ella Cruz ng Pinya and bagoong…Sino makikisawsaw?..go na habang fresh pa (laughing emojis).”

Pinutakti ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens ang post ni Juliana at isa nga rito ay nagkomento at nilait ang mukha niya.

Pang-ookray ng hater, “’Yung prutas fresh pa, ‘yung mukha mo bulok na emz!”

Hindi naman ito pinalampas ni Juliana na talagang tsinek pa ang profile ng basher bago rumesbak. Bwelta niya sa laiterang netizen, “Bakit nakaliyad mukha mo?”

Kinuyog naman ng followers ni Juliana ang nasabing hater kaya napilitan itong burahin ang kanyang comment.

Hanggang ngayon ay hot topic pa rin ang naging pahayag ni Ella nang tanungin siya tungkol sa pagganap niya bilang Irene Marcos sa pelikulang “Maid In Malañanang” sa direksyon ni Darryl Yap.

Ang tanong sa aktres, “Upon accepting the project, siyempre meron ka nga ‘no pinag-usapan sa school, di ba, sa mga Marcoses at kung anu-ano pa. Ano ang punto de bista as an actress? Ano ang point of view mo?”


Tugon ni Ella, “History is like a chismis. It is filtered and dagdag na rin, so, hindi natin alam what is the real history. Andoon na iyong idea, pero may mga bias talaga. As long as we’re alive. At may kanya-kanyang opinion. I respect everyone’s opinion.”

Aniya pa sa pinagdaanan ng mga anak ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. noong mga panahong yun, “Kasi struggling na, e, last three days! Kahit naman sila struggling even right now, di ba?

“So, paano kaya iyon na there was so much pressure on their side during those times?” pahayag ni Ella.

https://bandera.inquirer.net/309090/juliana-parizcova-segovia-pumalag-sa-kumakalat-na-post-na-ukol-sa-utang-niyang-p300k-hindi-ko-po-ikinakahiya

https://bandera.inquirer.net/300520/juliana-parizcova-segovia-hindi-na-matiis-ang-panlalait-kay-brenda-mage-sige-na-lumabas-ka-na-ng-bahay-ni-kuya

https://bandera.inquirer.net/316234/ella-cruz-ayaw-sumabak-sa-sexy-movies-ng-vivamax-ay-ibang-level-yun-nakakaloka-hindi-ko-kaya

Read more...