BINABAWI na ng Ultimate Leading Man na si Piolo Pascual ang sinabi niya noon na magre-retire na siya sa mundo ng showbiz sa edad na 40.
Wala na raw plano at intensiyon ang Kapamilya actor at TV host na iwan ang mundong naging tahanan na niya sa loob ng napakaraming taon.
Sa nakaraang presscon ni Piolo para sa bagong ad campaign ng Sun Life Philippines nitong nagdaang Sabado, June 2, ipinaliwanag niya kung bakit siya nakapagbitiw noon ng mga salita tungkol sa retirement.
“Actually, I said that before I turned 40. I’m 45, and I was talking to Direk Cathy Garcia, we did a Kumuserye and she just signed with ABS-CBN for a couple of years,” paglilinaw ni Papa P.
Inamin niyang baka raw bahagi lamang iyon ng pinagdaraanan niyang mid-life crisis at sa nararamdamang “burnout.”
“I love what I do and being in this business gives me meaning so I guess I was being immature, feeling burnt out back then. You can call it a midlife crisis because you’re too loaded up with work,” paglilinaw ni Piolo.
Dagdag ng binata, talagang passion na raw niya ang pag-arte at pagpe-perform at mananatili siya sa entertainment industry hangga’t kaya niya at hangga’t may mga nanonood sa kanya.
“I told her, ‘Direk, huwag na tayong magsasabi ng retirement kasi parang hindi rin naman natutuloy.’ For me, this is my passion.
“At this point in my life, I just wanna continue doing what I’m doing and this is something that I really appreciate, being in this business, being in front of you guys, and just sharing my life,” katwiran ni Papa P.
Hirit pa ng lead star ng Kapamilya suspense-drama na “Flower Of Evil”, “As long as I feel that I’m needed in this business or there is something that I can contribute and I will stay on.”
https://bandera.inquirer.net/309836/piolo-nabiktima-ng-nakakalokang-prank-call-ni-bea-adik-ka-yun-na-yun
https://bandera.inquirer.net/298165/maine-may-nakakalokang-nightmare-may-payo-sa-mga-babae
https://bandera.inquirer.net/292059/luis-hinamon-si-derek-mag-video-call-tayo-nang-hubot-hubad