KAHIT paulit-ulit na siyang nagbubuyangyang ng hubad na katawan sa mga pelikula ng Vivax ay inaatake pa rin si Angeli Khang ng matinding takot at kaba kapag sumasabak na siya halikan at sex scenes.
Ayon sa sexy star, hindi talaga madali ang maghubad at makipag-love scene sa harap ng camera pero bahagi ito ng trabaho niya kaya kailangan niyang panindigan.
“Never naman naging madaling maghubad, kahit ilang beses mo nang ginawa, it’s still not normal for me at pinakamahirap pa rin para sa akin.
“But it’s part of my job as an actress. So you just have to bear in mind na it’s part of your work, your body is your instrument and you are just playing a character para magawa mo nang tama ang trabaho mo,” pahayag ni Angeli sa virtual mediacon ng unang Vivamax TV series niya, ang “Wag Mong Agawin ang Akin.”
In fairness, si Angeli Khang pa rin ang itinuturing ngayong reyna ng Vivamax dahil sa tagumpay ng halos lahat ng pelikulang ginawa niya simula noong nagdaang taon.
Anong feeling na siya na ngayon ang top streaming actress sa bansa? “I really feel so blessed dahil unang movie ko pa lang naapreciate na ako ng mga tao at dire-diretso na ang naging career, pati ang blessings na ibinibigay sa akin ni Lord.
“I’m very happy. Hindi madali ang work namin kasi kung minsan, alas kuwatro na ng madaling araw, pero may iyakan, may sampalan pa rin kayo sa eksena. Nag-start kayo ng 8 a.m., pagod ka na, but you still have to give your best para sa ikagaganda ng movie n’yo,” pahayag ng dalaga.
Natanong din ang Vivamax bombshell sa nasabing presscon kung may mga nag-take advantage na sa kanya habang kinukunan ang kanilang mga love scene.
“Naku, thank God, hindi pa naman, lahat ng naka-work ko are very professional. From Kuya Jay Manalo, Sean de Guzman, Vince Rillon, Mark Anthony Fernandez to Markki Stroem, Felix Roco at ang iba pa, I can feel they respect me.
“Before we shoot, they ask kung ano puede naming gawin, kung anong puedeng hawakan sa akin. May effort sila na mag-bonding muna kami, kaya comfortable na kami sa isa’t isa sa harap ng kamera. Wala nang ilangan,” aniya pa.
Hindi ba siya natatakot na baka isang araw ay pagsawaan na siya ng mga manonood dahil palagi na lang siyang naghuhubad sa pelikula?
“Yung magsawa sa akin ang mga tao? I’m not really scared kasi I know myself and I know that I can do more and I have a lot more to offer.
“I just pray na mabigyan sana ako ng more challenging, substantial role and I will just keep on doing my best in every project they give me para hindi magsawa sa’kin ang tao,” katwiran ni Angeli.
Samantala, proud na proud naman ang dalaga sa first Vivamax TV series niyang “Wag Mong Agawin ang Akin” na mapapanood sa Vivamax simula sa July 31.
“I am proud of my first series kasi it’s by Direk Mac Alejandre, who directed me in the very big hit ‘Silip sa Apoy’. I’m confident na magugustuhan uli ito ng viewers kasi magaganda ang works niya,” ani Angeli.
Ayon kay Direk Mac, “Mas aware na si Angeli ngayon sa kakayahan niya since I last directed her. Mas alam niya ang craft niya at mas bukas ang puso niya, mas sensitive siya sa paligid niya kaya mas lalong naisasapuso niya ang trabaho niya.
“Dito sa ‘Wag Mong Agawin’, naging mas masusi ang pag-aaral niya sa character niya. Nakita kong mas tumindi ang pagmamahal niya sa work niya,” sabi ng direktor.
“Totoo yun,” pagsang-ayon ni Angeli. “Mas naging deep ang passion ko for acting dahil sa kanya.
“I’m very thankful din na akong pinili niya for this project kasi ang ganda ng material ng ‘Wag Mong Agawin’.
“As Jasmine, I play a girl na iniwan ng ina niya nung bata siya, lumaking nagbebenta ng katawan to survive, and later, nang ma-meet niya uli ang mother niya, naging magkaagaw pa sila sa pag-ibig ng isang lalaki.
“I’m very proud of this series lalo sa scene na nagtangka akong magpakamatay. Direk Mac helped me a lot.
“Sinabi niyang gamitin ko lahat ng sad personal experiences ko as a weapon to be effective sa eksena. He is now really one of my favorite directors among those I’ve worked with,” pahayag pa ng dalaga.
Makakasama niya sa serye sina Jamilla Obispo, Felix Rocco, Arron Villaflor, Yayo Aguila, Josef Elizalde, Angelica Cervantes, Lara Morena, directed by Mac Alejandre.
https://bandera.inquirer.net/313578/angeli-khang-tinawag-na-weird-version-ng-fifty-shades-of-grey-ang-pusoy-super-wild-ang-mga-sex-scenes-dito
https://bandera.inquirer.net/304582/silip-sa-apoy-actress-angeli-khang-sinasaktan-noon-ng-amang-koreano-pumapasok-ako-sa-school-na-may-pasa-sa-mukha
https://bandera.inquirer.net/298350/angeli-khang-tumodo-sa-mga-sex-scene-sa-mahjong-nights-naliligo-pa-lang-hubot-hubad-na-ko