FEELING “sentimental and emotional” ang aktres na si Rica Peralejo nang muling makatungtong sa building ng ABS-CBN last Sunday.
Nag-guest kasi ang dating Kapamilya star sa weekly musical show na “ASAP Natin ‘To” nitong nagdaang Linggo, July 3, at hindi raw niya mapigilan ang mapa-throwback noong panahong nagsisimula pa lamang siya sa mundo ng showbiz.
Nag-post si Rica sa Instagram ng litrato niya sa isang bahagi ng ABS-CBN compound at nilagyan ng mahaba at madamdaming caption.
“Nag-ASAP today. This hallway, next to my own home, has been the space of my childhood. Everything feels different while also everything feels familiar. Like it was only yesterday,” simulang pagbabahagi ng aktres.
“Part of me is emotional, and maybe that comes with your 40s and you realize so much of what shaped your life. How some things began.
“And it reminded me today of how I never wanted to be popular, and that I only wanted to be a performer. It reminded me also of hard work. It reminded me of how humbling it is to be in this business, of how you cannot be entitled,” lahad pa ni Rica.
Dagdag pa niya, “It also reminded me of my sister. She was the one who brought me into this building. I entered ABSCBN that day as a regular kid with an ice cream stain on her peach shirt she bought on sale in Cinderella, and went out with a new direction in her hands.
“TOO. MANY. MEMORIES. TOO. MANY. DEFINING. MOMENTS. Nag-asap lang naman dapat diba?” ang bahagi pa ng caption ni Rica.
Samantala, sa isa pa niyang post, nagkuwento rin ang aktres tungkol sa AngatBuhay NGO launch na pinamumunuan ni dating Vice President Leni Robredo.
Isa si Rica sa napakaraming celebrities na dumalo at nangako ng suporta kay Leni sa nasabing event.
Naikuwento nga ni Rica sa kanyang followers ang pagkawala ng popsocket cover at kung ano ang ginawa ng kaibigan niyang si Jolina Magdangal nang malaman niya ang tungkol dito.
“Kahapon ay punong puno ang love tank ko at nagkukuwentuhan lang naman kami ng aking mga kakampinks sa AngatBuhay NGO launch nung masabi kong nawala yung aking popsocket cover.
“Dali dali namang tinanggal ni @mariajolina_ig yung nasa phone nya at sabi ‘Kaya nga marami yan diba? Pwedeng pagpalitpalitin?’
“NAPAKABABAW KO pero minsan may ganito talaga. Maliit lang naman binigay sayo pero grabe kang kinilig at natuwa.
“Thank you, Mare. I love it so much. Match na match sa nails ko at sa sticker at sa puso ko na nagaalab rosas parin hanggang ngayon,” sabi pa ni Rica kay Jolina.
https://bandera.inquirer.net/303972/rica-maraming-pangakong-napako-dahil-sa-anak-payo-sa-mga-mommy-never-stop-listening-to-your-kids
https://bandera.inquirer.net/303972/rica-maraming-pangakong-napako-dahil-sa-anak-payo-sa-mga-mommy-never-stop-listening-to-your-kids
https://bandera.inquirer.net/298636/janine-gustong-makilala-ng-tao-sa-talento-i-always-wanted-to-be-more-than-just-pretty