Big deal para kay JC de Vera ang mapasama sa cast ng ‘Flower of Evil’; may 2 pelikula pa katambal sina Janine at Alex

JC de Vera, Lovi Poe at Piolo Pascual

UMAANI ngayon ng magagandang review at positibong komento ang Kapamilya suspense-drama series na “Flower of Evil” na pinagbibidahan nina Piolo Pascual, Lovi Poe at JC de Vera.

Kaya naman super happy at feeling grateful si JC na mapasama sa bonggang cast ng Philippine adaptation ng nasabing hit Korean series.

“It was a chance to do something different, because I have always played the leading man or the romantic interest or the third wheel in my past projects,” pahayag ng Kapamilya actor.

Sa kuwento ng “Flower of Evil” gumaganap si JC bilang si Andrew Marcelo, ang detective agent na parter ni Iris Castillo del Rosario na ginagampanan ni Lovi.


Ibang-iba ito raw ito sa huling karakter na ginampanan niya bilang kontrabida sa seryeng “La Vida Lena” na pinagbidahan ni Erich Gonzales. Dito, nakatanggap din si JC ng bonggang mga review at papuri mula sa mga manonood.

“I really want to explore more of my versatility as an actor now, one who is character-driven, and it’s about time,” sey pa ng versatile actor.

Sabi pa niya, hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin ang proyekto dahil bukod sa napakaganda ng kuwento ng “Flower of Evil” ay makakasama pa niya sina Piolo at Lovi pati na ang iba pang bigating miyembro ng cast.

“It’s something very different for me and it’s a big co-production with Viu International LTD. Yes, it’s a big deal and a great opportunity, and I am very fortunate to be part of it.

“This is something I would run out and chase for and I’m so thankful it ended up on my lap and what an experience it was, and it was hard work, a good learning environment and it was a blast working with all these highly-skilled professionals and co-actors in our Kapamilya set,” pahayag ng aktor.

Napapanood ang “Flower of Evil” tuwing Sabado at Linggo, 9 p.m. sa Kapamilya Channel at A2Z at sa Viu every Thursdays and Fridays at 8 p.m..

Samantala, bukod sa “Flower of Evil”, may natapos na rin siyang pelikula na magiging entry sa Cinemalaya Film Festival, ang “Bakit Di Mo Sabihin” kung saan makakatambal niya si Janine Gutierrez.

“It’s not a typical love story, it’s another different concept, one of which we put a lot of our heart and soul into,” aniya.

Bibida rin si JC sa romantic comedy na “The Entitled” na mapapanood sa Netflix ngayong July. Makakasama naman niya rito si Alex Gonzaga sa direksyon ni Theodore Boborol.

https://bandera.inquirer.net/309246/jc-de-vera-sa-pagiging-kapamilya-naging-actor-ako-yun-ang-pinakamasarap-sa-pakiramdam

https://bandera.inquirer.net/309020/jc-de-vera-biglang-napaiyak-matapos-mag-renew-ng-kontrata-sa-abs-cbn-wow-answered-prayer

https://bandera.inquirer.net/305442/jc-de-vera-mas-bet-ang-finger-heart-kaysa-peace-sign-bakit-kaya

Read more...