Solenn Heussaff nakumpirmang buntis sa 2nd baby gamit ang hi-tech X-ray app sa cellphone ni Nico Bolzico

Ipinakita ni Nico ang hi-tech X-ray app sa smart phone.

Solenn Heussaf

MASAYANG ibinalita ng mag-asawang Solenn Heussaff at Nico Bolzico na magiging ate na ang panganay nilang si Thylane Katana.

Kinumpirma ng Kapuso actress na nagdadalang-tao siya ngayon sa ikalawang anak nila ni Nico sa pamamagitan ng kanyang Instagram Stories.

Bukod dito, may ipinost ding Instagram reel ang mag-asawa kung saan nakumpirma nilang magkakaroon sila uli ng anak gamit ang hi-tech X-ray app sa kanilang smart phone.

Sa unang social media post ng Kapuso actress at celebrity mom, makikita ang kanyang mirror selfie photo kung saan makikita ang lumolobo na niyang tiyan.


Apat na buwan na raw ang sanggol sa kanyang sinapupunan, “Hello 16 weeks. Back to daily injections for bub number 2 (smiley emoji).”

Sa isa pa niyang post sa IG, makikita naman si Nico na may hawak na cellphone at ginamit ang X-ray app para makumpirma kung buntis nga ang asawa.

At in fairness, nang itapat nga niya ang camera ng smart cellphone sa tiyan ni Solenn, nakita ang baby sa sinapupunan ng aktres.

Nagulat din at napanganga ang Kapuso star nang makita ang resulta ng X-ray. Reaksyon naman ni Nico, “Wait, what?”

Sunud-sunod naman ang natanggap na pagbati ng mag-asawa sa pagdating ng bagong “angel” sa kanilang pamilya.

“Hahahahaha I love this!!!!!” comment ni Anne Curtis.

“Congratulations!!!” pagbati naman ni Bianca Gonzalez.

“WEEEEEEEEEEEE!” ang birong sey naman ni Michelle Dee.

Komento ni Isabelle Daza, “Yassss (high five emoji).”

“Wow! Congratulations!” sey naman ni Ruffa Gutierrez.

Ipinanganak ni Solenn ang first baby nila ni Nico na si Thylane noong January, 2020.

https://bandera.inquirer.net/301346/nico-bolzico-pinaalalahanan-ang-madlang-pipol-lets-be-aware-of-how-blessed-we-are

https://bandera.inquirer.net/310598/nico-bolzico-never-nagselos-sa-pakikipaghalikan-ni-solenn-heussaff-sa-ibat-ibang-lalaki
https://bandera.inquirer.net/283493/erwan-may-2-bagay-na-palaging-ipinaaalala-kay-anne-ngayong-may-anak-na-sila

Read more...