NAG-ALALA at natensiyon ang mga kaibigan at social media followers ng Kapamilya actress na si Maxene Magalona dahil sa ipinost niyang video kung saan makikita siyang umiiyak.
Napa-comment talaga ang ilan sa kanyang showbiz friends nang mapanood ang kanyang video na may nakasulat pa sa caption na “current mood”.
Isa sa mga nag-post ng mensahe sa comments section ng IG video ni Maxene ay si Camille Prats na nagpasalamat pa sa aktres sa ginawa niyang pagse-share sa publiko ng tunay niyang nararamdaman nu’ng mga oras na yun.
“This was how I felt yesterday. Wasn’t strong enough to let it out. Thank you Maxx for showing us that it’s okay to let it all out,” ang pahayag ni Camille.
Dito na nag-explain si Maxene sa pamamagitan ng Instagram live at sinabing ang ipinost niyang video ay compilation ng mga kuha niya last year kung saan halos dalawang linggo siyang iyak nang iyak.
“I’m so sorry if any of you got startled or surprised with the reel that I posted. Not that I’m explaining or have to explain myself, but I just want to show you that I’m okay.
“Something inside me lang kanina, while I was crying today, just thought of creating that reel,” ani Maxene.
Esplika pa ng aktres, lahat ng tao ay may pinagdaraanang pagsubok sa buhay at may kanya-kanyang kuwento tungkol sa kanilang mga problema at hindi raw tama ang pagtsismisan ang mga ito.
“I never posted those videos. But today, I felt like creating that reel because I just wanted to share these emotions, because I believe it’s okay not to be okay all the time. I think God whispered to me to post that because I feel a lot of people will be able to relate,” paliwanag ni Maxene.
Dugtong pa niyang paalala, “Let’s not allow the emotions to get bottled up inside so that we won’t get depressed. We have to release it slowly, so it doesn’t get piled up.”
In fairness, nakaka-inspire at nakagagaan ng kalooban ang mga life at hugot quotes ni Maxene sa kanyang IG. Hindi lang ito puro endorsements tulad ng regular na makikita natin sa IG ng nga artista.
https://bandera.inquirer.net/297550/kuya-kim-nag-comment-sa-post-ni-camille-may-patutsada-kaya-sa-its-showtime
https://bandera.inquirer.net/308918/maxene-tuwang-tuwa-nang-makapasok-uli-ng-sinehan-nagbigay-ng-8-benefits-ng-pagtakbo
https://bandera.inquirer.net/281588/netizens-kumasa-sa-crying-groom-challenge-ni-luis-yung-nanay-mo-recto-pero-napangasawa-mo-mendiola