‘Mean Girls’ star Lindsay Lohan ikinasal na kay Bader Shammas: I’m the luckiest woman in the world!

Lindsay Lohan at Bader Shammas

KASABAY ng selebrasyon ng kanyang 36th birthday, in-announce rin ng Hollywood actress na si Lindsay Lohan na ikinasal na siya sa kanyang longtime boyfriend.

Yes, isa nang wifey ang “Mean Girls” star — after a year of their engagement ay nagdesisyon na rin  siyang magpakasal kay Bader Shammas na isang Emirati businessman-financier who serves as the assistant vice president of an international wealth management company based in Dubai, United Arab Emirates.

Sa kanyang Instagram account, ibinalita nga ni Lindsay na nagpalitan na sila ng “I do” ni Bader at ipinagsigawan sa buong universe ang nararamdaman niya ngayong kaligayahan.

Sabi ng American actress sa caption ng ipinost niyang sweet photo nila ng asawa, “I am the luckiest woman in the world.”

“You found me and knew that I wanted to find happiness and grace, all at the same time.

“I am stunned that vou are my husband. My life and my everything. Every woman should feel like this everyday,” mensahe pa ng Hollywood star para kay Bader.


Matatandaan na noong November, 2021 ibinalita rin ni Lindsay sa Instagram na nag-propose na sa kanya ang kanyang boyfriend.

“My love. My life. My family. My future. @bader.shammas #love,” sabi niya sa caption ng litrato nila ng asawa na kuha sa kanilang engagement.

Unang nakilala ang aktres bilang child star sa Disney film na “The Parent Trap” at mas lalo pa siyang sumikat nang gawin niya ang “Mean Girls.”

Camille tinanong ng anak kung ano’ng meaning ng bading: Kahit ako parang na-confuse…

James Yap nagsalita na sa isyung bading ang anak na si Bimby

Beking direktor & friends ‘pinagsaluhan’ ang mga young actors sa farm

Read more...