K-Drama superstar Song Hye-kyo personal na na-meet ni Heart sa Paris; Anne, Mariel kinilig nang bonggang-bongga

Heart Evangelista at Song Hye-kyo

NAPA-HASHTAG #SanaAll na naman ang ilang celebrities at netizens sa bagong photo na ipinost ni Heart Evangelista sa kanyang Instagram account.

E, kasi nga, na-meet na niya up close and personal ang sikat na sikat na Korean superstar na si Song Hye-kyo sa isang sosyal na event sa Paris, France.

Sa pamamagitan ng kanyang IG account, ibinahagi ng Kapuso actress at fashion icon ang litrato nila together ni Song Hye-kyo na kuha sa French luxury jewelry line Chaumet’s gala night recently.
Sey ni Heart sa caption, “With the lovely @kyo1122.

“It was such a pleasure attending @chaumetofficial’s gala this evening.

“Their newest nature-inspired collection was beyond beautiful, and every piece that came with it was indeed a work of art. Remarkable is an understatement,” bahagi pa ng mensahe ng misis ni Sen. Chiz Escudero.


Sa nasabing photo, suot ni Heart ang thigh-high slit gown na gawa ni Mark Bumgarner habang nakasuot naman si Song Hye-kyo (bumida sa Korean series na Descendants of The Sun at Encounter) ng sleeveless black ensemble.

Kaloka! Hindi lang mga fans ni Heart ang nag-react sa picture nila  ng Korean actress kundi pati na rin ang mga kaibigan niyang celebrities na mga adik din sa K-drama.

Kabilang nga sa mga nag-comment sa litrato nina Heart Song Hye-kyo ay sina Anne Curtis and Mariel Padilla, Isabel Oli, Awra Briguela, Gabby Eigenmann at Nikki Valdez.

Sey ni Mariel, “Among all your photos… this is my most favorite one hahahaha! I love her! Like i wanna ask you how was she?!?!? Hahahahaha super FAN!!!!!!!!!”

Biro naman ni Luis Manzano, “Sayang! You should have asked her if kilala niya ako! Sure, hindi isasagot nya.”

Isa namang netizen ang nagsabing, “Jessie meets Jessie” na ang tinutukoy ay ang role ni Heart sa  Philippine adaptation ng Korean series na “Full House” na ginampanan nga ni Song Hye-kyo sa original version.

Nakatambal ng Korean actress sa nasabing series ang singer-actor na si Rain habang si Richard Gutierrez naman ang naka-partner ni Heart sa remake nito sa Pilipinas na napanood sa GMA 7.

Ang ilan pa sa mga Korean series na pinagbidahan ni Song Hye-kyo ay ang “Autumn in My Heart,” “That Winter, The Wind Blows,” “Encounter, “Now, We Are Breaking Up” at marami pang iba.

https://bandera.inquirer.net/300422/dingdong-walang-reklamo-bilang-all-around-hubby-ni-marian-sa-miss-universe-2021

https://bandera.inquirer.net/310875/heart-evangelista-binalikan-ang-journey-sa-showbiz-they-hated-me-kasi-ang-arte-arte-ko

https://bandera.inquirer.net/288090/mga-misis-napa-hashtag-sanaall-sa-kilig-post-ni-chito-para-kay-neri

Read more...